Lalaki, hindi na nakaahon matapos magpropose sa ilalim ng tubig

Lalaki, hindi na nakaahon matapos magpropose sa ilalim ng tubig

- Nauwi sa bangungot ang dapat sana'y masayang selebrayon ng mag-nobyo matapos masawi ang lalaki

- Nalunod ang lalaki matapos mag-propose sa nobya sa ilalim ng tubig

- Sa isang Facebook post na lamang naibigay ng nobya nito ang sagot nito sa kanyang proposal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtapos sa isang trahedya ang dapat sana'y masayang simula ng mag-nobyong sina Steven Weber at Kenesha Antoine.

Ilang sandali matapos mag-propose ni Weber kay Antoine mula sa ilalim ng tubig, nalunod ang lalaki at hindi na nakaahon pa mula roon.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nasa isang wooden cabin sa Pemba Island sa Tanzania nanatili ang dalawa kung saan ang bedroom ay nakalubog sa ilalim ng karagatan.

Sa Facebook post ni Antoine, makikita ang lalaki habang nasa ilalim ng dagat at nakaharap sa bintana ng cabin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

May hawak itong papel na nakabalot sa plastic at ipinakita kay Antoine bago naglabas ng singsing.

"I can't hold my breath long enough to tell you everything I love about you. BUT...Everything I love about you I love more EVERY DAY!

"Will you please be my WIFE. Marry me???" ito ang nakalagay sa note na ipinakita ni Weber sa nobya.

Ngunit nabigo na ang lalaki na makarating sa ibabaw ng tubig matapos nito.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post na lamamg nakasagot si Antoine sa proposal ng yumaong nobyo.

"You never emerged from those depths, so you never got to hear my answer, 'Yes! Yes! A million times, yes, I will marry you!!" anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel