Pamilya ng namatay na kadete sa PMA dahil sa hazing, nagsalita na

Pamilya ng namatay na kadete sa PMA dahil sa hazing, nagsalita na

- Mabait at tahimik kung ilarawan ang 20-anyos na kadeteng namatay dahil sa hazing

- Bagamat may tatlong kadete na ang iniimbestigahan kaugnay ng pagkamatay nito, naniniwala ang pamilya ng biktima na mayroon pang iba

- Patuloy naman ang imbestigasyon sa kasong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabait at tahimik, ganito inilarawan ng kapatid si Darwin Dormitorio. Si Darwin ang 20-anyos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na namatay dahil sa hazing, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa isang panayam ng CNN Philippines kay Dexter Dormitorio, bago pumasok ang kapatid sa PMA ay personal itong inihanda ng kanilang ama na isang retired colonel at alumnus ng institusyon.

"So my brother was ready for the challenges inside the academy," anito.

"What he was not prepared for is yung daily abuse na nakuha niya," dagdag pa nito. Ebidensiya na raw dito ang resulta ng autopsy sa katawan ng kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"Blunt force trauma" ang naging resulta ng autopsy na siyang dahilan ng pagkamatay ng kadete.

Kwento pa ni Dexter, binisita niya pa ang kapatid noong August 25 matapos mabasa ang liham mula sa kapatid.

Ayon sa ulat, mula sa ospital, hiniling ng biktima sa nanay ng isang kadete na ibigay ito sa kanilang ina.

"When I saw him pinakita niya sakin yung dibdib niya wala namang bruises. That was six days into his hospitalization or confinement so siguro by that time yung bruises wala na," ayon kay Dexter.

"He told me that okay siya, kaya niya, he was smiling," dagdag pa nito.

Base sa mga lumabas na ulat, September 17 nang muling dalhin sa PMA Hospital si Darwin kung saan siya na-diagnose na mayroong urinary tract infection at na-discharge din pagkaraan ng apat na oras na obserbasyon dito.

Nang makabalik sa kanila ng barracks, doon na raw ito nagsuka at natagpuang unresponsive kinaumagahan.

Agad din itong isinugod sa ospital kung saan ito binawian ng buhay ayon kay Police Director Allan Rae Co ng Philippine National Police (PNP) Baguio.

Tatlong kadete na rin ang naka-detain kaugnay ng pagkamatay ni Darwin.

Ngunit naniniwala ang pamilya ni Darwin na may iba pang sangkot sa pagkamatay ng binata.

"We are very certain that there are more so sana, sana mahanap sila," ayon kay Dexter. "We just want justice to be served."

Magsasampa rin daw sila ng criminal cases ngunit hindi na muna nagbigay pa ng ibang detalye tungkol dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel