Dating HR staff, binahagi ang nakakadurog ng pusong pakikisalamuha sa mga magsasaka

Dating HR staff, binahagi ang nakakadurog ng pusong pakikisalamuha sa mga magsasaka

- Binahagi ng isang dating HR staff kung paano naantig ang kanyang puso sa palagiang pakikisalanuha sa mga magsasaka

- Aminado siyang pagdating sa mga kababayan nating magsasaka ay mahinahon siyang nakikitungo di tulad sa mga nauna niyang naging trabaho

- Nag-viral ang post sa pagpapakita nito ng katotohanan pagdating sa natatanggap na trato ng mga magsasaka dito sa ating bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan na raw naging teller ng bangko at HR staff si Novica Tabaco at aminado siyang isa sa kinaiinisan niya sa trabaho ay kung paulit-ulit niyang pinaliliwanag ang isang bagay.

Ngunit sa kanyang post tungkol sa pakikisalamuha sa mga magsasaka, ni minsan daw ay di niya makuhang magalit.

Nalaman pa ng KAMI na malambot ang puso ni Novica sa mga kababayan nating magsasaka lalo pa nang namulat na siya sa sistema ng mga ito dahil sa kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sino ba naman daw kasi ang magagawang magalit kung sasabihin na lamang ng mga ito na mag-thumbmark na lamang sila dahil hindi sila marunong pumirma.

Sa mga ganoong pagkakataon, lalo pa raw tumataas ang respeto ni Novica sa mga magsasaka.

Sana raw ay taasan ang halaga ng palay dahil sa hirap na dinaranas ng mga magsasakang subsob sa pagtatrbaho para sa kakarampot na sweldo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi rin ng netizen na sa mga kamag-anak ng mga magsasaka, huwag daw sanang ikahiya ang mga ito na nagtataguyod ng kanilang pamilya.

Nag-viral ang post na ito na umabot ng 23,000 na positibong reaksyon at halos 9,000 na pagbabahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel