Mag-asawang walang pa-reception sa kasal, sinurpresa ng kanilang mga katrabaho

Mag-asawang walang pa-reception sa kasal, sinurpresa ng kanilang mga katrabaho

- Walang reception at simpleng kasalan lamang ang ginawa ng Nigerian couple na ito

- Maging sa imbitasyon ay nilinaw nilang walang reception na magaganap upang di na rin magtaka ang kanilang mga bisita

- Ngunit may mga taong tulad ng kanilang mga kaibigan at ka-opisina na labis na nagmamalasakit at nagmamahal sa mag-asawa kaya naman sinurpresa ng mga ito ang bagong kasal ng isang handaan pagkatapos ng seremonya

Tradisyon at nakaugalian na ang salo-salong ginaganap pagkakatapos ng kasalan.

Ngunit ang Nigerian couple na sina Adewale Yussuf at Blessing Ijeoma ay mas piniling walang reception na magaganap dahil sa ang talagang mahalaga naman daw ay ang kasalan.

Ito raw ay sa pagiging praktikal ng dalawa kung saan malaking halaga ang kanilang matitipid para na rin sa buhay na kanilang sisimulan bilang mag-asawa.

Hindi rin sila nabahala sa iisipin ng ibang tao sa desisyon nilang ito dahil ang mahalaga ay mabasbasan na ang kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Katunayan, nilinaw na nila ito sa pinamahaging imbitasyon sa malalapit lamang na tao sa puso nila.

"No reception" ang nakasulat sa mga imbitasyon na naunawaan naman daw ng kanilang mga imbitadong bisita.

Masaya naman ang lahat sa kasalan na bakas sa mga larawan mula sa araw na iyon.

Ngunit mas lalong naging masaya ang lahat nang ibigay na ng mga kaibigan at katrabaho ng bagong kasal ang surpresa nilang handaan para sa dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking gulat ng groom sa ginawa na ito ng mga nagmamahal sa kanila.

Inakala lamang nila kasi na lugar lamang ito ng pictorial nang bumulaga sa kanila ang reception.

Laking pasasalamat naman ng mag-asawa sa mga taong nasa likod ng surpresang ito na talagang di nila inaasahan.

Mas lalong naging memorable ang kanilang kasalan dahil sa ibinuhos na pagmamalasakit at pagmamahal ng malalapit na tao sa kanilang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel