Mga gurong tumatawid sa rumaragasang tubig pabalik ng paaralan, hinangaan

Mga gurong tumatawid sa rumaragasang tubig pabalik ng paaralan, hinangaan

- Hinangaan ang mga gurong lakas loob na tumawid ng rumaragasang ilog pabalik ng kanilang paaralan

- Galing daw sila sa pandistritong palaro at di pa raw marunong magsilangoy ang mga ito

- Mas lalong humanga ang mga netizens sa mga guro na handang gawin ang mga ganito kadelikadong bagay alang-alang sa kanilang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw eksena sa social media ang larawan ng mga gurong galing sa pandistritong palaro ng kanilang lugar.

Binahagi ni Joann Kidsolan kanilang mga larawang nag papakita ng buwis buhay na pagtawid sa rumaragasang ilog pabalik ng Dalupang Elementary School sa Mabini, Pangasinan.

Nabanggit din sa post na karamihan sa mga gurong ito ay di marunong maglangoy kaya naman mapamali lamang sila ng kapit sa kinakapitang lubid ay sadyang mapanganib na sa kanilang kalagayan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bakas sa kanilang mga larawan ang hirap ng kanilang sinusuong, makapunta lamang sa lugar na kanilang pinagtuturuan.

Bagaman at mayroon namang umaalalay sa kanila, di pa rin madali ang kanilang ginagawa na di nararanasan ng ibang propesyon.

Kaya naman lalong bumilib sa kanila ang mga netizens na di akalaing ganito ang sinasapit ng ilang mga guro sa ating bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe buwis buhay"
"Yung mga ganyan na sitwasyon...nakakalungkot dahil hindi nakikita ng ating gobyerno ying mga hirap na pinagdaraaanan natin"
"Matatapang na mga guro saludo kami SA inyo.Mabuhay kayo."
"Saludo ako sa katapangan nyo mga mam"
"Hesus ko po! Me ganyan pa pla sa Pilipinas... dapat magpagawa na ng tulay diyan"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel