Lalaki, hinangaan sa pakikitungo sa nakabangga ng kanyang sasakyan

Lalaki, hinangaan sa pakikitungo sa nakabangga ng kanyang sasakyan

- Umani ng papuri ang lalaking kalmadong nakitungo sa nakabangga sa kanyang sasakyan

- Imbis na magalit, tiningnan lamang nito ang gasgas ng kanyang kotse at kinamayan pa ang nakabangga sa kanya

- Nagulat at napabilib naman ang mga netizens sa driver ng kotse sa pagpapakumbabang pinakita nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng nangyaring banggaan sa Aurora underpass nitong Miyerkules, Setyembre 18.

Binahagi ng Facebook page na Jessica SOHOT ang naganap matapos sumalpok ng motor sa likod isang kotse.

Nalaman ng KAMI na bumaba ang driver upang tingnan ang nangyari sa likuran ng sasakyan.

Ngunit ang agaw pansin dito ay nang bigla niyang tanungin kung ayos lamang ba ang motoristang nakabangga ng likuran ng kanyang kotse.

Di lang ito, nagawa pa niya itong kamayan at saka sumakay na muli sa pabalik ng kanyang kotse na animo'y walang nangyari.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa pagkamangha, maririnig ang nasambit ng kumukuha ng video na "ang bait nung driver."

Kadalasan kasi sa ganitong aksidente, may nagaganap pang sisihan, away at singilan sa nagawang pinsala.

Kaya naman marami ang humanga sa pinakitang ugali ng driver ng kotse sa pananatiling kalmado nito at pagpapakita pa ng malasakit sa nakabangga sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang komento ng ilang netizens na nagulat at napabilib sa eksenang ito:

"Hats down sa my ari ng auto sana oil.."
"Ang bait naman sana ganyan lahat ng driver.."
"Saludo sayo sir, d nman sinasadya buti nlang malawak pang unawa n sir na nka kotse"
"Sa mga nagsasabi na may insurance naman. Alam nyo ba na may participation fee ka paring babayaran pag nagpagawa ka. Mabait lang talaga may ari"
"Syempre ang bait nya kc wala nman damage sa sasakyan nya at di mo nakita pinunasan lang nya kc sa tingin nya ok nman."
"Ganyan walang init ng ulo atsaka konti Lang Yung sagi kasi yung iba mayabang nasagi Lang ng konti Kala mo napalaki na ng bangga salute you sir Yung my sasakyan"

Umabot na sa mahigit 330,000 ang views ng video na ito at umani ito ng 7,600 na positibong mga reaksyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel