OFW, minsan nang nagbuhay donya bago maging domestic helper sa ibang bansa

OFW, minsan nang nagbuhay donya bago maging domestic helper sa ibang bansa

- Naranasan muna ng OFW na ito ang marangyang buhay bago pa siya manilbihan sa ibang bansa

- Mayroon silang mga negosyo na tila naglaho na lamang na parang bula

- Dala ng matinding pangangailangan ng pambayad ng kanilang mga utang, kinailangan niyang mangibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba ang kwento ng pagiging OFW ni Joh Bagundol Sese. Kadalasan kasi, matinding hirap ng buhay agad ang nag-uudyok sa isang Pinay na umalis ng bansa.

Ngunit para kay Joh, naranasan muna niyang magbuhay donya bago sila sinubok ng tadhana.

Binahagi ng howtocare.com ang buhay ni Joh. Doon nilahad niyang minsan silang nagmay-ari ng ilang negosyo sa Hagonoy, Bulacan.

Hanggang sa dumating sa punto na di nila namamalayan ang unti-unti nilang pagkakalubog sa utang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nalaman ng KAMI na sa tindi ng problemang pinansyal, nagdeklara na si Joh ng bankcruptcy at ang masaklap pa nito, nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay dala ng mga pagkakautang.

Dahil dito, napilitan si Joh na iwan ang kanyang pamilya upang mangibang bansa.

Naging mailap pa rin ang tadhana para kay Joh sa unang pag-alis niya patungong Singapore. Tatlong buwan siyang sumugal na makahanap doon ng trabaho ngunit di siya pinalad.

Sa kabila ng mga di magagandang pangyayari sa mga OFW sa Middle East, tinanggap na ni Joh ang oportunidad na makapagtrabaho sa Saudi Arabia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon nakakuha siya agad ng trabaho bilang domestic helper.

Mas matindi ang mga pagsubok na naranasan ni Joh lalo pa ito ang unang pagkakataong mawalay sa kanyang pamilya.

Ngunit lahat ay kinakaya niya upang makaahon sa problema at para na rin sa maayos na kinabukasan ng kanyang mga anak.

Isa lamang magandang halimbawa ang kwentong ito ni Joh na walang problema ang di natin kayang malampasan lalo na kung ito naman ay ating ginagawan ng paraan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel