PNP: 20-anyos na kadete ng PMA, namatay dahil sa hazing

PNP: 20-anyos na kadete ng PMA, namatay dahil sa hazing

- Kinumpirma ng Philippine National Police na biktima ng hazing ang kadete ng PMA na namatay noong Miyerkules

- Tatlong "persons of interest" na ang iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad

- Iimbestigahan din ang PMA Hospital kung saan lumabas na na-diagnose ito na mayroong urinary tract infection (UTI) isang araw bago ito mamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng hazing ang 20-anyos na kadete ng Philippine Miltary Academy (PMA) na namatay noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakitaan ng ilang sugat sa tiyan ang biktimang si Darwin Dormitorio na posibleng senyales ng hazing ayon sa Baguio City police office.

Miyerkules ng umaga ng makita si Dormitorio sa barracks nito sa Room 209 ng Mayo Hall Annex na hindi na gumagalaw, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Agad naman itong dinala sa PMA Station Hospital kung saan ito binawian ng buhay.

Sumailalim sa autopsy ang katawan nito na pinayagan ng pamilya nito.

Una nang idinaing ng biktima ang pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Napag-alaman ng KAMI na iimbestigahan din ang PMA Hospital kung saan lumabas na na-diagnose ito na mayroong urinary tract infection (UTI) isang araw bago ito mamatay.

Tatlong "persons of interest" na ang iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ni Dormitorio at tinatanyang nasa 20 ang witness sa naganap na hazing.

Ayon kay PMA superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista, dalawang 3rd Class cadets at isang 1st Class cadet na ang iniimbestigahan na posibleng may kinalaman sa insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel