Mayor Isko Moreno, may inamin sa kanyang lovelife noon

Mayor Isko Moreno, may inamin sa kanyang lovelife noon

-Sa isang speech, ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang tungkol sa kanyang lovelife noong siya ay bata pa

-Inamin ni Moreno na wala raw siyang naging nobya noon dahil hindi siya marunong manligaw

-Hindi rin nakalimutan ni Mayor Isko ang magbigay ng payo sa mga kabataan ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isa sa kanyang mga speeches, inamin ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na wala siyang naging nobya noon.

"Wala talaga akong naging syota, maniwala kayo," anito.

"Puro basted ako," dagdag pa ni Mayor Isko.

Ayon sa alkalde, hindi raw kasi siya marunong manligaw dahil wala siyang pang-date.

Pero iba pala ang diskarte ni Mayor Isko. Inamin nito na pinapakopya niya ang kanyang crush noon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"Eh pinapakopya ko pa nga 'yung crush ko eh," sabi pa nito.

Tila naman aliw na aliw ang kanyang mga audience sa mga kwento ni Moreno.

Hindi rin nakalimutan ni Mayor Isko na magbigay ng payo para sa mga kabataan ngayon pagkatapos niyang ibahagi ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya.

Kwento pa ni yorme, dalawa lang ang kanyang uniporme noon dala na rin ng kahirapan.

Pero sa kabila nito, nasa magandang section naman daw siya noon at napapasali sa honors.

Sabi pa ni Moreno, marami na raw kabataan ngayon ang madaling sumuko sa hamon ng buhay dahil sa impluwensiya ng internet.

Payo nito, dapat lamang na matuto ang mga ito na tumindig sa sarili dahil ang sarili lamang natin ang tutulong sa atin sa huli.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, sinagot ni Mayor Isko ang tanong kung interesado ba siyang maging pangulo sa hinaharap.

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel