Ginang na nakatabi si kabit sa kama, nakaharap na ang nagtatagong mister

Ginang na nakatabi si kabit sa kama, nakaharap na ang nagtatagong mister

- Matapos na magkaharap sa programa ni Raffy Tulfo ang dating magkasintahan, nagkasundo na rin sila sa wakas

- Nang idulog kasi ng ginang ang kawalan ng sustento ng lalaki ay lumutang ito para harapin ang reklamo ng ex

- Samantala, dahil sa kanyang sitwasyon, hindi nakalimutan ni Tulfo ang tulungan ang ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkatapos na magharap at magkasundo sa programang Wanted sa Radyo ang dating magkasintaha na sina Noel Galpo at Jessica Fetalvo, nabigyan na rin ng lunas ang reklamo ng ginang.

Una nang naiulat ng KAMI nang dumulog si Fetalvo sa programa para maka-usap si Galpo na hindi raw nagbibigay ng sustento at pinagtataguan pa raw siya.

Dahil sa malaking responsibilidad na iniwan sa kanya ng lalaki, kailangan na raw niya ng tulong ng salawahang lalaki.

Matatandaang sinabi pa ni Fetalvo na minsan niyang nakatabi ang kabit nito sa kama habang sila ay magkasama pa at dahil wala siyang magawa noon dahil sa pagdadalang-tao, nagawa niyang tiisin ang kanyang sitwasyon.

Bagamat hindi na sinagot ito ni Galpo, nilinaw nito na nagbibigay naman siya kahit paano kay Fetalvo, bagay na itinanggi ng huli.

Agad namang nakipagkasundo si Galpo kay Fetalvo kaugnay ng sustento na hinihingi nito at nagkasundo sa halagang P5,000 kada buwan at tataas pa habang lumalaki ang mga anak nila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maayos namang nagpirmahan ang dalawa sa barangay sa kanilang napagkasunduan.

Samantala, dahil sa hirap na sitwasyon ni Fetalvo, hindi nakalimutan ni Raffy Tulfo ang tulungan ang ginang at mga anak nito.

Isang E-bike ang hiningi ng ginang na ibinigay naman ni Tulfo. Maging ilang gamit para sa mga bata ay ibinigay rin nito.

Nagpasalamat naman si Fetalvo kay Tulfo dahil sa pagkalutas ng kanyang reklamo at nalunasan na rin ang kanyang problema sa tatay ng mga anak niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel