Matandang nagwala sa Action center, sermon ang inabot kay Idol Raffy

Matandang nagwala sa Action center, sermon ang inabot kay Idol Raffy

- Nakunan ng video ang di umano'y pagwawala at pagbabanta ng isang matandang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Sermon ang inabot nito sa host ng 'Raffy Tulfo in Action dahil sa maling-mali raw ang ginawa nito sa staff ng programa

- Sa kabila nito, nagawa pa rin nilang tulungan ang lolo na ang nais lamang daw ay ang maipalibing na ng maayos ang kanyang pumanaw na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di pinalampas ni Raffy Tulfo ang isang matandang nagawang magwala sa kanyang tanggapan.

Sa episode ng Raffy Tulfo in Action nitong Setyembre 19, pinakita ang video na kuha ng kanilang staff kung paano halos sugurin na sila ng matandang si Roberto Francisco.

Nalaman ng KAMI na humihingi ito ng tulong sa programa dahil sa nagawang i-hold ng punerarya ang bangkay ng kanyang pumanaw na anak dahil sa kakulangan sa pera.

Sa kabila ng ginawa nito, hinarap naman siya ng host ng programa ngunit sermon at pangaral muna ang inabot ng matanda.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Paliwanag ni Idol Raffy, maling-mali ang ginawang pambabanta ni tatay Roberto sa mga staff ng programa lalo pa at humihingi ito ng pabor mula sa kanila.

Ang pagkuha rin ng video ng mga staff ay may pahintulot ni Tulfo dahil sa makailang beses na nilang naranasang baliktarin ng mga taong dumudulog sa kanila na di nila agad napagbibigyan.

Nilinaw rin ng sikat na host na hindi naman lahat ng pumupunta sa kanila ay nabibigyan niya ng tulong pinansyal lalo pa at mula ito sa sarili niyang sahod.

Ngunit sa kabila ng ginawa na ito ni tatay Roberto, gumawa pa rin ng paraan si Tulfo na matulungan ang matanda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinaliwanag niyang di niya kukunin ang pondo sa sarili niyang bulsa dahil magiging sampal ito sa kanyang staff na di umano'y nabastos ng matanda.

Dumulog sila sa DSWD upang matulungan si tatay Roberto at siniguro ni Idol Raffy na maayos na maililibing ang anak nito.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel