'Bawas tinapay' na di umano'y modus ng isang delivery boy, sapul sa video

'Bawas tinapay' na di umano'y modus ng isang delivery boy, sapul sa video

- Nakunan ng video ang di umano'y modus ng delivery boy sa mga produkto nilang tinapay

- Kitang-kita kung paano niya binabawasan ang bawat supot ng dapat ay selyadong mga tinapay

- Napansin din ng netizen na sa bibig pa nito iniipit ang clip na pang-seal mula sa supot ng tinapay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasapul sa video ang kakaibang ginagawa ng isang lalaki sa mga tinapay na kanyang ide-deliver.

Binahagi ng netizen na si Abbi Cabanding ang di umano'y pagbabawas ng tinapay ng isang delivery boy mula sa mga supot nito.

Aakalaing inaayos lamang niya ang mga produkto, ngunit kung susuriing mabuti, isa-isa niya itong binubuksan at binabawasan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang masaklap pa rito, ang clip na ginagamit na seal para sa tinapay ay iniipit niya sa kanyang bibig saka niya binabalik muli na parang walang nangyari.

Kilalang brand pa naman daw ito ng tinapay kaya naman nabahala ang mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Favorite ko pa naman yang tinapay na yan... kuya naman ayusin mo trabaho mo!"
"Yan ang problema sa seal nila, andaling buksan andali ring isara"
"Ang masakit pa dun nilalagay niya sa bibig niya yung clip"
"Hala kadiri naman, asa labas pa siya tas dun niya bibuksan... bad!"
"Makita sana ito ng kompanya... grabe naman tong dugyot na lalaking ito"

Mabilis na nag-viral ang video dahil sa marami ang tumatangkilik sa tatak ng tinapay na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel