20-anyos na PMA cadet, namatay dahil sa internal bleeding

20-anyos na PMA cadet, namatay dahil sa internal bleeding

-Cardiac Arrest secondary to internal hemorrhage ang inisyal na nakalagay na sanhi ng pagkamatay ng isang kadete ng PMA

-Natagpuan ang binata sa isang kwarto at agad na itinakbo sa PMA Station Hospital nang makitang unresponsive na ito

-Sasailalim sa autopsy ang katawan ng kadete na sinang-ayunan ng pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unresponsive na raw ang kadete ng Philippine Military Academy na si Darwin Dormitorio nang makita sa Room 209 ng Mayo Hall Annex kaya naman agad itong itinakbo sa PMA Station Hospital noong Miyerkules ng umaga.

Ngunit makalipas ang mahigit isang oras binawian na rin ng buhay si Dormitorio, batay sa ulat ng Rappler.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang 20-anyos na kadete ay miyembro ng Echo Company. Una raw idinaing nito ang pananakit ng tiyan at pagsusuka batay pa rin sa ulat.

"Initial findings for the cause of death: Cardiac Arrest secondary to internal hemorrhage," ayon sa PMA progress report na inilabas.

Ito ang inisyal na lumabas sa resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad. Pero sasailalim ang katawan ni Dormitorio sa autopsy na pinayagan ng pamilya nito.

Pagkatapos nito, ayon sa PMA, "the Commandant of Cadets (COC) ordered the restrictive confinement of the upperclass and 4cl squadmates of 4CL DORMITORIO for investigation."

Off limits na rin sa ngayon ang Room 209 ng Mayo Hall kung saan nakita ang kadete at itinuturing na crime scene.

Humingi na rin ng tulong ang PMA sa Philippine National Police Scene of the Crime Operatives (SOCO) para maimbestigahan ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel