Mayor Isko Moreno, may sagot na kung interesado siyang maging presidente

Mayor Isko Moreno, may sagot na kung interesado siyang maging presidente

- Matapos na umingay ang pangalan ni Mayor Isko sa publiko dahil sa kanyang ginawa para sa Maynila, marami na ang umaasam na maging presidente ito ng Pilipinas

- Kahanga-hanga naman ang naging sagot ng alkalde dito

- Ipinaliwanag din niya kung bakit ito ang sagot niya sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot na ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang matagal nang tanong sa kanya ng ilang Pinoy.

Matapos umingay ang pangalan ni Mayor Isko sa publiko dahil sa mga nagawa nito sa Maynila, marami sa ating mga kababayan ang umaasam na tumakbo siya bilang presidente ng bansa.

Matatandaang maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay humanga rin sa ipinakitang husay sa pamumuno ni Moreno na una nang naiulat ng KAMI.

Sa kanyang pagbisita sa St. Scholastica’s College, may estudyanteng nagtanong kay Mayor Isko kung interesado ba siyang maging pangulo.

Unang sinagot ni Moreno na hindi niya pinangarap ang maging presidente ng bansa at sa halip ay ninais daw niyang maging kapitan ng isang barko para makatakas sa kahirapan.

Nang makapag-artista, na-isip niya dapat na ibalik niya ang mga blessings na natanggap sa mga kababayan.

“Will I wish to become a President? I don’t know… why? I don’t know yet… will I qualify as a President? my answer is no,” anito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

“Why? Wala pa naman akong ginagawa sa Maynila eh. Will I use my fame? Take advantage of it because your popular?” dagdag nito.

Para raw kay Mayor Isko, ginagawa lamang niya ang kanyang sinumpaang tungkulin.

“I know maybe you are frustrated already. Am I qualified? I don't know. I think not yet. Because what I’m doing here is just basic governance, well if there’s one good thing, thank you very much,” aniya.

Una raw niyang dapat na ayusin ang Maynila kung saan siya nanunungkulan at hindi naghahangad ng mas malakas na kapangyarihan.

“Before I talk about politics or aspire for a better, bigger position, I think harapin ko muna... kung anong mayroon ngayon… dahil kung kapangyarihan lang eh mas makapangyarihan ang Presidente kaysa sa Mayor ng Maynila kung ang pagnanasa ang gagawin mo eh yun ang naisin ko,” anito.

Kahanga-hanga rin ang naging mga pahayag ng alkalde kaugnay sa pagkagahaman sa kapangyarihan.

“Pero diyan maraming nagkamali, sa sobrang pagnanasa… dahil walang kabubusugan… kapag walang kabubusugan, ang kabusugan hindi lang pagkain, hindi lang yan salapi, pati kapangyarihan… may mga taong matatakaw sa kapangyarihan,” anito.

Bagamat marami ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang mga naging aksyon mula palang noong unang linggo niya sa serbisyo bilang alkalde ng Maynila, nilinaw rin ni Moreno na hindi siya naghahanda para sa eleksyon sa 2022.

“I swear to God, since July 1, what we have been doing has nothing to do with 2022, it’s all about the chaos, the problems and challenges of the city of Manila we are facing and the people of Manila is suffering,” anito.

Narito ang video ng speech ni yorme mula sa Facebook page na Raffy Tulfo Supporters:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel