18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos

18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos

- Isang menor de edad na ina ang nagsumikap upang matapos ang pag-aaral niya

- Ikinuwento ni Zianne Tremedal ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang batang ina

- Kahit na umani ng batikos, nakapagtapos pa rin ng pag-aaral si Zianne

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 18 taong gulang na estudyante ang maagang nabuntis habang nasa kanyang ikatlong taon sa kursong Medical Technology sa Southwestern University.

Nalaman ng KAMI na tila hindi naging madali ang buhay ni Zianne Tremedal dahil sa mapanghusgang lipunan.

18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos
Photo from Famous Trends
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Famous Trends, tinawag daw na “black sheep” si Zianne dahil sa umano’y kahihiyan na dinala niya sa kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Zianne ang kanyang mga pinagdaanan noong nagdadalang tao siya. Aniya, nang malaman niyang siya ay dalawang buwan nang buntis, agad siyang pumunta sa clinic para magpa-ultrasound.

Tila hindi alam ni Zianne ang kanyang mararamdaman kung naiyak ba siya sa tuwa o malulungkot sa balitang nalaman niya. Subalit, sabi ni Zianne ay iba raw talaga ang feeling noong narinig niya ang heartbeat ng baby niya.

Nagdalawang isip si Zianne kung itutuloy niya pa ba ang kanyang pag-aaral. Pero, nagpursigi na lang ang batang ina bilang isang taon na lang ay matatapos na rin niya ito.

Malaki ang pasalamat ni Zianne sa kanyang mga kaibigan na tumulong sa kanya sa kanyang pag-aaral at pagbubuhat ng gamit niya sa tuwing may klase sila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos
Photo from Famous Trends
Source: Facebook

Napagdesisyunan ni Zianne na iiwan na lang muna ang baby niya sa kanyang mga magulang. Kaya naman, tatlong beses sa isang lingo kung magpadala siya ng kanyang sariling gatas para sa anak niya.

Kahit na nahihirapan at nahihiya si Zianne, talagang ginawa niya ang lahat upang tapusin ang kanyang pag-aaral. Sa tuwing naririnig niya ang iyak ng kanyang anak ay tinitiis niya ito para sa kanilang kinabukasan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos
Photo from Famous Trends
Source: Facebook

Ngayong 21 years old na si Zianne, siya ay isang registered Medical Technologist na. Giit niya, ang isang pagkakamali niya ay nagbigay sa kanya ng napakaraming leksyon at worth it ang lahat.

“Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito. That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it,” sabi ni Zianne.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa vs MaxineMedina! What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)