Organizer, pina-adjust ang kasal ng kliyente dahil wala na raw ang pera nito

Organizer, pina-adjust ang kasal ng kliyente dahil wala na raw ang pera nito

- Inireklamo ng isang babae ang isang wedding organizer at ang nanay nito

- Pinapa-adjust daw kasi nito ang kanilang kasal dahil wala na raw ang perang ibinayad nila

- Labis naman ang sama ng loob ng babae lalo pa at pinagtataguan na raw sila ng pinagkatiwalaang wedding organizer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinaurong daw ng wedding organizer na si Mohammad Abdul Raouf Ekong ang kasal ng kanyang kliyente dahil wala na raw ang perang ibinayad nito.

Idinulog ni Mariel Altoveros ang reklamo laban dito sa programang Wanted sa Radyo.

Pinagtataguan na raw kasi siya ni Mohammad at itinatago pa raw ito ng nanay nito na si Florida Ekong.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Umabot daw sa P230,000 ang perang naibigay ni Mariel kay Mohammad.

Ipina-blotter na rin daw nila ang nangyari at pumirma naman daw sa isang kasunduan si Florida.

Ngunit ayon sa ginang, hindi niya alam ang transakyon ni Mariel at ng anak niyang si Mohammad.

Nangako naman ito na tatawagan ang anak upang iharap kay Mariel.

Posible kasi na ang ginang ang makasuhan matapos itong pumirma sa kasunduan nila sa barangay ayon kay Raffy Tulfo.

Samantala, hindi naman sumagot sa tawag ng programa ang inirereklamong wedding organizer.

Sa kabutihang palad, napag-alaman ng KAMI na natuloy ang kasal ni Mariel dahil nakahanap sila ng paraan ngunit sa ibang wedding organizer na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel