Mister, naiyak sa harap ni Raffy Tulfo dahil kay misis

Mister, naiyak sa harap ni Raffy Tulfo dahil kay misis

- Naiyak na lamang sa sama ng loob si mister dahil sa kanyang salawahang misis

- Anito, mayroon na raw ibang lalaki ang kanyang asawa

- Nagpaalam lang daw si misis na magta-trabaho sa Maynila ngunit hindi na nakabalik pa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagad na raw sa kanyang misis ang lalaking si Rodel Castro, 39-anyos, dahil sa pangloloko nito sa kanya.

Ayon kay Rodel, Nobyembre noong nakaraang taon nang magpaalam ang misis na si Jovelyn Castro, 25-anyos, na magta-trabaho sa Maynila bilang isang kasambahay.

Pinigilan pa raw niya ito ngunit hindi na nagpaawat pa si misis kahit na umiyak pa raw si Rodel dito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maging ang mga magulang daw ni Jovelyn ay hindi ito nagawang pabalikin.

Ayon pa kay Rodel, Abril pa lamang ay alam na niyang mayroon na umanong ibang lalaki ang asawa.

Mayroon din umano siyang nakita sa cellphone ng misis na magpapatunay sa pangangaliwa nito.

Kaya naman nais na lang daw niyang makulong ang ginang.

Wala na rin daw siyang ibang pagpipilian kaya nagawa niyang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Nangako naman ng tulong si idol Raffy kay mister.

Samantala, hindi naman sinasagot ni Jovelyn ang mga tawag ng programa para mahingan ito ng pahayag kaugnay ng mga akusasyon ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel