'Wrong send' na text, napondohan ang batang may kakaibang karamdaman

'Wrong send' na text, napondohan ang batang may kakaibang karamdaman

- Isang di kilalang tao na napadalhan ng maling text ang siyang naging daan para matulungan ang batang may karamdaman

- Imbis na balewalain ang nag text, nag-alok pa ito ng paraan upang makatulong sa taong pagpapadalhan sana ng mensahe

- Laking pasalamat ng mga magulang ng bata at ng nagpadala ng text sa ginawa ng taong di naman nila kakilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napunta sa di kilalang tao ang text message ni Abby Fink sa kasamahan nito sa simbahan na si Alex Jakeman na ang anak ay may kakaibang sakit.

Ayon sa ulat ni McKinley Corbley ng Good News Network, bibisita raw sina Abby sa anak ni Alex na si Noah.

Nalaman ng KAMI na nagtext si Abbyy kay Alex upang abisuhan ito ng pagdalaw ngunit na-wrong send ito.

Imbis na balewalain ito ng taong napadalhan niya ng text, inusisa pa nito ang kalagayan ng anak ni Alex.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mayroon kasi itong Lennox Gasteau Syndrome kung saan para itong pinagsamang epilepsy at cerebral palsy. Marurupok ang mga buto ng apat na taong gulang na batang si Noah at dumagdag pa sa kondisyon nito ang pagiging autistic.

Di nagdalawang isip na tanungin ng taong napadalhan ng text kung ano ang maaari niyang maitulong.

Sumagot naman si Abby na ipagdasal na lamang daw si Noah.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit di lamang pagdarasal para sa bata ang ginawa ng naitext na nakilala lamang bilang si "Bill".

Gumawa pa ito ng social media page na maaring makalikom ng donasyon sa pagpapagamot ni Noah.

Laking pasalamat naman ng pamilya ng bata kay Bill. Labis naman ang kasiyahan ni Abby dahil sa isang di inaasahang pagkakataon ay naakatulong sila sa isang pamilyang nais lamang na gumaling ang kanilang mahal sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel