Ulila sa ina na nagtitinda dahil may sakit ang ama, hinangaan ng netizens

Ulila sa ina na nagtitinda dahil may sakit ang ama, hinangaan ng netizens

- Viral ang larawan ng batang dumidiskarte ng pagtitinda ng tuyo para makatulong sa amang may sakit

- Ulila na ito sa ina kaya naman naisipan na rin niyang magtinda pandagdag sa panggastos, pambaon sa paaralan at para na rin sa gamot ng ama na may sakit

- Labis siyang hinangaan ng mga netizens at ang iba pa nga ay nais magpaabot ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang netizen na siyang nakapansin ng nakakaantig ng pusong kalagayan ng batang si Lance Abarquez.

Nalaman ng KAMI na si Jewel Rashia ang nagbahagi ng kwento ni Lance.

Kumakain daw sila ng kanyang ina sa isang fast food chain sa Pateros nang mapansin nila ang grade 6 student na nagtitinda ng mga tuyo.

Saktong lumapit ito sa kanila kaya naman nagkaroon sila ng pagkakatong tanungin ang lagay ng bata at syempre upang makabili na rin ng mga paninda nito.

Ulila na pala sa ina ang batang si Lance at ang kanyang tiya ang nagpapaaral sa kanya.

Sa kasamaang palad, may sakit naman ang kanyang ama kaya naman siya ang dumidiskarte ng kanilang panggastos sa pamamagitan ng pagtitinda.

Ito raw kasi ang pinagkukunan niya ng pambaon sa eskwelahan at para na rin sa gamot ng kanyang ama.

Pursigido raw makatapos sa pag-aaral ang bata kaya naman kahit mabigat ang mga paninda ay matiyaga niya itong nilalako at may kalayuan na rin ang kanyang nararating.

Bakas sa mukha ng bata ang mabuti at busilak na kalooban kaya naman mas lalo itong hinangaan ng mga netizens.

Ang iba ay nais pang magpaabot ng tulong para kay Lance at sa ama nitong may sakit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga pinahayag na papuri ng mga netizens kay Lance:

"Na touch ako saiyo Lance, ang Diyos ay pagpapalain ka dahil sa pagmamahal mo sa magulang mo."
"Saludo ako sa mga batang ganyan na mag-isip"
"Na touch ako saiyo Lance, ang Diyos ay pagpapalain ka dahil sa pagmamahal mo sa magulang mo."
"Grabeh nman npkabait na bata sana gnyan din mga anak d yong puro ra asa ng magulang dahil paano kon hindi ninyo alam biglang nlang slang kunin ng maykpal paano na kayo,kahit manlang sa pagtitipid mkatulong nyan sa magulang kaya mga anak at kbtaan gayahin dapat ang batang ito"
"Paano po kaya siya mahahanap? gusto kong makatulong dahil mga ganitong bata ang dapat tinutulungan"
"Siswertehin ang batang to dahil sa kabutihan niya sa kanyang ama. Maswerte ang kanyang tatay dahil mabait ang kanyang anak hindi yung pabigat pa sa kanila"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel