Mga suspek sa pagpatay sa transgender sa Pangasinan, kilala ng biktima

Mga suspek sa pagpatay sa transgender sa Pangasinan, kilala ng biktima

- Ayon sa mga pulis, ka-text pa ng biktima ang dalawang suspek bago maganap ang krimen

- Nakuha ng mga awtoridad ang cellphone ng pinaslang na transgender na naging ugat para makilala ang mga ito

- Isang saksi ang lumutang at nagpatibay pa ng kaso laban sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala na ang dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa transgender na si Jessa Remiendo.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa isang beach sa Bolinao, Pangasinan, Martes ng umaga, na una nang naiulat ng KAMI.

Kinilala ang mga suspek na sina Isagani Dollaga at Michael Orpano, isang mag-uuling at isang mangingisda, base sa ulat ng GMA News (Author, Dona Magsino).

Ayon sa ulat, ka-text pa ng biktima ang mga ito bago maganap ang karumal-dumal na krimen.

Nakuha ng mga awtoridad ang cellphone ni Remiendo at doon nakita ang conversation ng mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"Andun po ang conversation nila nang magkayayaan, kung saan sila magtatagpo," ayon kay Police Major Dennis Cabigat.

Lumabas din sa imbestigasyon na matagal nang kilala ng biktima ang dalawang pumatay sa kanya.

Isang saksi ang lumutang na nagsabing hindi naman daw nagtatalo ang mga ito noong nangyari ang krimen.

Posibleng pinagplanuhan umano ang krimen ayon kay Cabigat. Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen.

Sa isang ulat mula sa News5, nakaburol na ang mga labi ni Remiendo sa kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel