Bibong bata sa Wowowin, nabigyan ng maagang pamasko ng kanyang "Kuya Will"

Bibong bata sa Wowowin, nabigyan ng maagang pamasko ng kanyang "Kuya Will"

- Viral ang video ng batang si 'Cheska' na kinagiliwan sa programang Wowowin

- Bibong-bibo itong sumagot sa mga tanong ng kanyang "Kuya Will" kaya naman nabigyan siya nito ng maagang pamasko

- Umabot na sa mahigit 2.6 million views ang nakakatuwang video nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa bibong batang si Cheska na masayang nakipagkwentuhan kay Willie Revillame sa programa nitong Wowowin.

Binahagi ng GMA Pinoy TV ang nakakaaliw na video ng bata na ito na aminadong fan ng programa tuwing hapon sa Kapuso network.

Nalaman ng KAMI na lagi raw hinahanap ni Cheska ang kanyang "Kuya Will" sa programa dahil paborito daw niya ang mga kanta nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang tanungin siya ni Willie kung ano ang nais niya paglaki, diretsahan niyang sinagot na nais niyang maging nanay dahil sa dami ng kaya nitong gawin sa tahanan.

Tuwang-tuwa ang host sa bata kaya naman binigyan niya ito ng jacket, cellphone, perang nagkakahalaga ng ₱5,000 at mga giveaways ng programa.

Bakas sa mukha ng bata ang kaligayahan at di na mawari kung paano bibitbitin ang mga maagang pamasko ng host.

Nang magrequest pa si Willie ng isang sayaw mula kay Cheska, sumagot na lamang ito ng "mamaya na lang" dahil ayaw na niyang bitawan ang mga regalo.

Umabot na sa mahigit 2.6 million ang views ng viral video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel