Viral kasambahay na inireklamo ng among Russian, may malaking pasabog laban dito

Viral kasambahay na inireklamo ng among Russian, may malaking pasabog laban dito

- Matapos ireklamo ng among Russian ang kasambahay na si Jocelle Inocencio, agad din itong humarap sa madla

- Itinanggi nito ang mga akusasyon sa kanya ng amo at sinagot ang lahat ng paratang nito

- Isang malaking "pasabog" ang ibinulgar nito laban din sa Russian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos na mai-ere ang reklamo ng Russian na si Manar Al Khebi noong nakaraang linggo, na una nang naiulat ng KAMI, agad na nagsadya ang inireklamo nitong kasambahay na Pilipina na si Jocelle Inocencio sa tanggapan ng TV5.

Anito, nais niyang linisin ang kanyang pangalan dahil wala umanong katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng dating amo.

Sabi pa ni Inocencio mayroon umano silang relasyon ng among si Manar at kahit ang asawa nito na isang Dubai local ay posibleng nakakaramdam na rin.

Nagsimula umano ito nang naroon pa sila sa Dubai at ilang beses na ring nagkaroon ng intimate moments.

Nagseselos rin umano ang ginang kapag kumakausap siya ng ibang babae.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Itinanggi rin nito ang akusasyon ng ginang na iniscam niya ang pera nito na ayon kay Manar ay nagkakahalaga ng P350,000.

Hindi rin daw totoo na pinilit niyang manatili ang ginang sa bansa, anito, kusang sumama sa kanya ang babaeng amo at nanatili sila sa hotel tulad ng isang magkasintahan.

Ipinakita pa nito ang ilang larawan nila ni Manar kay Raffy Tulfo na ayon naman sa ginang ay panakaw na kuha lamang sa kanya.

Hindi rin daw niya alam kung bakit ito ginagawa sa kanya ni Manar. Nagulat na lamang siya nang ipa-blotter siya nito.

Posible umano na ginawa na lang siyang dahilan nito dahil hinahanap na ito ng asawa nito dahil sa matagal nitong pagkawala.

Ganunpaman, inamin niya na mahal pa rin niya ang dating amo. Nakiusap rin siya sa mga netizens lalo pa at marami na rin daw ang nang-ba-bash sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel