Transgender, natagpuang patay sa isang beach sa Pangasinan

Transgender, natagpuang patay sa isang beach sa Pangasinan

- Isang trasgender ang natagpuang patay sa isang beach sa Pangasinan nitong Martes

- Ayon sa mga huling nakasama ng biktima, nagpaalam lang ang ito na bibili ng sigarilyo ngunit hindi na nakabalik

- Patuloy naman ang imbestigasyon sa kalunos-lunos na krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang transgender sa probinsiya ng Pangasinan na natagpuang patay sa isang beach doon.

Sa ulat ng Rappler (Author, Rambo Talabong), kinilala ang biktima na si Jessa Remiendo.

Natagpuan ang katawan ni Remiendo sa isang beach sa Patar sa Bolinao sa nasabing probinsiya nitong Martes, September 17, na duguan at halos maputol ang ibang bahagi.

Halos maputol na rin daw ang leeg nito at may hiwa sa kanang mata.

Ayon kay Bolinao police chief Major Dennis Cabigat, hindi karaniwan ang ganitong krimen sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Base sa police report, nakipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan at mga kapatid na babae noong gabi ng Lunes sa Valdevia Resort. Nagpaalam raw itong bibili lang ng sigarilyo ngunit hindi na nakabalik pa.

Sabi ni Noreen Barber, overall president ng United Pangasinan Association LGBTQ+, mayroon na raw lead ang mga pulis sa krimen.

Ayon pa kay Barber, kilala ang biktima sa pagiging mabuting tao sa kanilang bayan. Tanggap rin daw ang mga miyembro ng LGBT sa kanilang lugar.

“We have a trans community here. We are widely accepted and we work together," anito.

"I couldn't imagine it happening. She was so kind. She was family-oriented," dagdag pa ni Barber.

Sa isang ulat ng News5, kinundena ng Commission on Human Rights ang karumal-dumal na sinapit ng biktima.

Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT community sa bansa.

Muling naungkat ang pagpapasa ng SOGIE bill nang isang transgender ang pinigilang gumamit ng CR para sa babae at naging ugat pa para arestuhin ito at posasan na una nang naiulat ng KAMI.

Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang mainit na debate kaugnay nito at kabilaang opinyon pa rin mula sa mga Pinoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel