OFW, humingi ng tulong sa kapwa Pinay gamit ang sulat na mukha lamang basura

OFW, humingi ng tulong sa kapwa Pinay gamit ang sulat na mukha lamang basura

- Humingi ng tulong ang OFW sa kapwa niya Pinay sa pamamagitan ng sulat na kanyang itinapon bago umalis

- Tila naintindihan ng Pinay ang nais ipahiwatig ng kapwa niya sa paglalalag nito ng papel kaya naman ito ay kanyang pinulot

- Agad niyang binahagi sa social media ang papel na nilaglag ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang OFW sa Saudi Arabia ang dumiskarte upang makahingi ng tulong na makaalis sa mapang-abusong amo.

Binahagi ni Cin Dy kung paanong naintindihan niya ang isang Pinay na nakita lamang niyang nakatingin sa kanya sa supermarket.

Sa umpisa'y di siya sigurado kung Pinay ito dahil balot ang mukha nito ng kadama.

Laking gulat na lamang niya nang bahagyang itinaas ng babaeng ito ang takip sa kanyang mukha.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Halos pumutok na kasi ang labi nito sa sobrang maga habang ang ang mata naman nito ay may pasa at namumula.

Awang-awa si Cindy sa kapwa Pinay na di niya inalisan ng tingin. Ramdam niya kasing may mensahe itong nais ipahiwatig.

Nang paalis na ang Pinay na kasama ang kanyang amo, hindi pa rin natinag ang tingin nito kay Cindy bago hinulog ang naka-kuyumos na papel.

Agad naman itong kinuha ni Cindy na tinago na muna niya. Sa CR dun niya nabasa ang mensahe na nanghihingi nga ng tulong ang OFW.

Matinding pang-aabuso at pambababoy ang dinaranas nito sa mga amo.

Gusto na raw nitong makauwi upang makapiling ang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman agad itong binahagi ni Cindy sa social media upang makarating sa kinauukulan.

Marami kasing kulang na impormasyon tungkol sa OFW na si Angelita Bariona kaya mainam na raw na ipakalat na lamang ang panawagan ng OFW.

Sana ay makamit ni Angelita ang hustisya at makauwi na ng bansa sa lalong madaling panahon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel