Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

- Hindi inakala ng isang tindera ng gulay mula Mindoro na susuwertehin siya sa Friday the 13th

- Itinaya niya ang kaniyang P150 at nanalo ng humigit kumulang kalahating milyong piso sa surprise Tataya Ka Ba event sa Pasig Public Market

- Surpresang inabot ni Kim Chiu ang mga papremyo kasama ang grand prize na P100,000 worth of Personal Collection products

Agaw pansin sa social media ang isang video ng tindera ng gulay na nanalo ng mga papremyong nagkakahalaga ng humigit kumulang kalahating milyong piso sa isang surpresang palaro ng Personal Collection sa Pasig Public Market noong Biyernes, September 13.

Binahigi ito sa Facebook ng vlogger na si McCoy Dubs na may caption na: “Anong meron sa Pasig Public Market? #PersonalCollectionPH #TatayaKaBa”

Hindi inakala ni Cristalyn, isang tindera ng gulay mula Mindoro, na susuwertehin siya sa Friday the 13th. Ang nasabing winner, na kumikita lamang ng P250 sa isang araw, ay nilapitan ng Hanash Pilipinas upang imbitahang sumali sa Tataya Ka Ba game, kung saan nakatanggap siya ng P50 sa bawat tamang sagot sa tanong.

Ang kaniyang napanalunang P150 mula sa tatlong tamang sagot ay ipambibili niya sana ng tsinelas at damit, ngunit matapang niya itong itinaya upang subukan ang kaniyang suwerte sa Tataya Ka Ba roleta.

Nang ikutin ni Cristalyn ang roleta, mangiyak-ngiyak ang dalaga dahil nanalo siya ng Trip for Four to Boracay.

“Isasama ko ang mga kapatid ko [sa Boracay],” aniya. Si Cristalyn ay may 10 kapatid na naiwan sa Mindoro kasama ang kaniyang mga magulang na buwan-buwan niyang pinadadalhan ng pera.

Ngunit hindi lang ‘yan, nanalo rin ang dalaga ng P10,000 pocket money at bonggang appliance showcase (50-inch flat TV, refrigerator, twin-tub washing machine, induction cooker, rice cooker, electric fan, oven toaster, cookware set). Napanalunan rin niya ang isang high-end mobile phone at brand new motorcycle!

Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

Photo from Personal Collection
Source: Facebook

Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

Photo from Personal Collection
Source: Facebook

Pero ang pinakabonggang premyo ng Tataya Ka Ba ay dala-dala ni Chinita Princess Kim Chiu. Hatid ng Kapamilya star ang grand prize na P100,000 worth of Personal Collection products.

Si Kim ay ang pinakabagong endorser ng Nature’s Way Aloe Vera System, ang isa sa flagship brands ng Personal Collection.

Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

Photo from Personal Collection
Source: Facebook

Tindera ng Gulay, Sinuwerte ng Kalahating Milyong Papremyo noong Friday the 13th

Photo from Personal Collection
Source: Facebook

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na hindi lubos makapaniwala sa suwerteng natanggap ng winner sa Tataya Ka Ba:

Lucky siya sa Friday 13 :D :D :D
Agang pamasko. Ang bless ni ate.
Super blessed nya. Parang higit pa sa isang milkyon ang blessing ni ate sa saya.
Walang katapusang papremyo. Graveh!
Ay ang bongga! Sa halagang 150 nya apaw apaw ang papremyo, godbless kay ate <3 <3 deserve nya talaga <3
Panoorin ang happenings sa Tataya Ka Ba event ng Personal Collection noong Friday 13th sa Pasig Public Market!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel