Mylene Dizon, may isiniwalat tungkol sa mga naka-close na sina Julia Montes at Joshua Garcia

Mylene Dizon, may isiniwalat tungkol sa mga naka-close na sina Julia Montes at Joshua Garcia

- Mylene Dizon, may isiniwalat tungkol sa mga naka-close na sina Julia Montes at Joshua Garcia

- Kadalasan daw ay nagkakaroon siya ng bond sa mga batang artista na nakakatrabaho niya gaya nina Julia at Joshua

- Kaya naman ay naitanong sa kanya ang nag-viral na balita tungkol sa dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mylene Dizon, may isiniwalat tungkol kina Julia Montes at Joshua Garcia kaugnay sa mga nag-viral na balita sa kanila at napag-alaman ng KAMI ang huling pag-uusap niya sa dalawa.

Mylene Dizon, may isiniwalat tungkol sa mga naka-close na sina Julia Montes at Joshua Garcia

Source: Instagram/ABS-CBN
Source: Instagram

Sabi raw ni Mylene na kadalasan ay nagkakaroon siya ng bond sa nakakatrabaho na mga batang artista na gumaganap na mga anak niya sa TV at pelikula gaya nina Julia Montes at Joshua Garcia, ayon pa sa balita ni Marinel R. Cruz ng entertainment.inquirer.net kung saan namin naispatan ang balitang ito.

Itinanong kay Mylene ang tungkol sa bali-balitang pagbubuntis daw ni Julia Montes.

Ani naman daw ng batikang aktres:

“Julia and I would still chat on Viber. There were times when she sought my advice, but only to ask about how to best cook her chicken or which exercise she should do. We’re very good friends.":

Dugtong pa umano ni Mylene na ang huling mensahe na natanggap niya mula kay Julia ay noong nasa Germany ito.

At sabi raw ni Julia sa message:

"Malapit na, ’Nay. Uwi na ako."

Wala naman daw siyang alam tungkol sa bali-balitang pagbubuntis at panganganak diumano ng aktres na ani pa ng kumakalat na balita noon ay si Coco Martin daw ang ama.

Pero magiging masaya naman umano siya para kay Julia kung totoo man daw ito.

Gayunpaman, banggit pa daw ng aktres:

"Pero kailangan ko munang malaman … sila ba?”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At tungkol naman sa pag-amin ni Joshua Garcia ng kanilang breakup ni Julia Barretto, may payo naman daw na ibinigay si Mylene Dito.

Sabi niya raw kay Joshua:

"Trust yourself. Be true to what you feel. You’re still young, so be strong. Many things can still happen to you.”

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Spotted naman ang aktres at si Joshua Garcia na rumampa sa red carpet na mag-isa.

Narito pa ang ilan sa mga Kapamilya stars na nag-going solo sa ABS-CBN Ball 2019.

Mylene Dizon, kilalang batikang aktres na nakatrabaho si Julia Montes sa Kapamilya hit teleserye na 'Doble Kara' habang si Joshua Garcia naman ay sa 'The Good Son.'

Huling nakita sa 'Sahaya' ng Kapuso at dumalo rin kamakailan sa ABS-CBN Ball 2019.

POPULAR: Read more news about Julia Montes here and Joshua Garcia here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel