Ex-GF, buong tapang na binati ang ama ng kanyang anak na nagpakasal na sa iba

Ex-GF, buong tapang na binati ang ama ng kanyang anak na nagpakasal na sa iba

- Hinangaan ang single mom na nagkalakas loob na batiin pa sa kasal nito ang ex-fiance' niyang ama ng kanyang anak

- Masakit para sa single mom na ito dahil kasabay din niyang nagbuntis ang babae na mas piniling pakasalan ng kanyang ex-boyfriend

- Marami mang netizens ang humanga sa katapangan ng babaeng ito ngunit marami rin ang nakaramdam ng awa sa nagawa ng lalaki sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang post ng single mom na ito na nagawa pang batiin sa kasal ang lalaking nang-iwan sa kanya.

Dala ng matinding emosyon, nilabas talaga ni Justine Ann Redimano Magbitang ang kanyang saloobin sa ama ng kanyang anak.

Ayon sa howtocare.com, literal na huminto ang mundo ni Justine dahil sa pagmamahal niya sa lalaking ito.

Engaged na rin sana sila at pinigilan pa siya nitong magtrabaho para paghandaan at panganganak at pati na rin ang kanilang kasal.

Marami na rin daw silang plano para sa kanilang kinabukasan ngunit ang lahat ng ito ay nabago sa isang iglap lang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Laking gulat niya na ang lalaking hinihintay niya ay mapupunta lang sa babaeng kakakilala lang nito sa barko.

Gumuho raw ang mundo ni Justine dahil nabalewala ang lahat ng kanilang pinagsamahan mula pa noong sila ay kolehiyo.

Lalong dumagdag pa sa kanyang pasanin ang sakit nang malaman na kabay niyang magbuntis ang babaeng ito na mas piniling pakasalan ng kanya ring fiance'.

Ang lahat nang ito ay kinaya ni Justine para sa kanyang anak na nagsisilbing lakas niya sa lahat ng mga pagsubok na ito.

Samantala, humanga ang mga netizens sa katatagang pinakita ni Justine. Ang ilan ay nakaramdam din ng awa dahil sa panloloko na nagawa sa kanya ng lalaking sana'y pakakasalan na niya.

Ex-GF, buong tapang na binati ang ama ng kanyang anak na nagpakasal na sa iba

photo source: shutterstock
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Go lang girl! hindi mo siya deserve..."
"Grabe, ang kapal ng mukha ng lalaking yan, pero ok na yan habang maaga, alam mo na ganyan talaga siya, manloloko"
"Pinagsabay pa talaga kayo na mabuntis? ibang klase"
"Ang gwapo naman ng lalaking yan, nagawa niya yun? ayaw ka pasampahin dahil may babae na pala siya dun at yun pa ang pinakasalan."
"Stay strong girl for your baby, kaya mo yan!"
"You don't deserve him. ok na ganyan na ang nangyari kesa naman natuloy pa ang kasal niyo tapos saka ka niya lolokohin"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel