Pinakabagong modelo ng Raymond bus na 'world-class' ang dating, ibinida ng konduktor nito

Pinakabagong modelo ng Raymond bus na 'world-class' ang dating, ibinida ng konduktor nito

- Binahagi ng isang empleyado ng Raymond bus company ang pinakabago nilang unit ng bus

- Napakaganda at talaga raw sosyal ang bus na ang hangad ay mas komportableng biyahe para sa mga pasahero

- Apat na raw ang ganitong klaseng unit ng bus na ang biyahe ay mula Cubao hanggang Naga at mula Cubao hanggang Legaspi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ng isang empleyado ng Raymond bus company ang pinakabagong unit ng bus nila patungong Bicol ang Volvo B8R class bus.

Sa video ni Delfin Concina na binahagi rin ng Philippine Star, makikita ang makabago at sosyal na bus na may halaga raw na manumbas ₱10 milyong piso. Gawa raw ang mga unit na ito sa England.

Ang bawat upuan ay may maliit na mesang patungan ng pagkain. Mayroon din itong legroom kapag nais mahiga ng pasahero.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Hindi na rin mangangamba ang pasahero na ma-lowbat dahil may sarili silang tablet sa bawat upuan kung saan pwedeng manood ng mga pelikula.

Napakaganda at napakalinis din ng comfort room nito.

Pagdating naman sa pamasahe, abot-kaya pa rin ito ng bulsa dahil sa halagang ₱1350, full fare patungong Legaspi, Albay ay para namang nasa eroplano ang mararanasang biyahe sa ganda ng sasakyan.

Mayroon din silang biyahe patungong Naga na ang full fare ay ₱1,200 at pag discounted naman ay ₱900.

Sa ngayon, may apat na silang ganitong uri ng bus na lahat ng biyahe ay mula Cubao.

Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizens at isa raw itong magandang balita lalo na sa mga bumibiyahe patungong Bicol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ayos to, kahit di na mag-plane sarap naman biyahe"
"World-class, ganda! sarap gumala pag ganito sasakyan"
"Ok na rin ang pamasahe para sa ganito kagandang bus"
"Ok yang upgrade niyo Raymond, sana lahat ng biyahe ganyan"
"Sana isunod niyo na yung Quezon buses niyo para masaya"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel