Jeepney driver, nag-viral dahil sa simpleng pagsunod sa kanilang 'seminar'

Jeepney driver, nag-viral dahil sa simpleng pagsunod sa kanilang 'seminar'

- Hinangaan ang jeepney driver sa Cavite dahil sa simpleng pagsunod nito sa kanilang napagkasunduan sa seminar

- Binahagi ng pasahero ang kanyang naging karanasan na nagpabilib naman sa mga nakabasa nito

- Marami ang nagsabing sana'y tularan ang katapatan ng driver na marangal na nagtatrabaho at di nanlalamang ng kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post tungkol sa jeepney driver na kahanga-hanga ang katapatang ginawa sa kanyang pasahero.

Binahagi ng netizen na si Deigh Garcia ang karanasan niya nang minsang sumakay silang mag-iina sa jeep.

Maluwag naman ang jeep at wala gaanong sakay ngunit naisipan pa rin niyang pamasahian ang mga anak bilang tulong na raw sa driver.

Laking gulat niya nang bumalik sa kanya ang sukli na pang-isang tao lamang ang binawas.

Nilinaw ito ni Deigh at sinabing pang-tatlong tao sana ang binawas ng tsuper.

Ngunit sinabi ng driver na libre na ang mga bata dahil iyon ang napagkasunduan daw nila sa kanilang 'seminar.'

Nagpasalamat na lamang ang pasahero at narinig niyang pinaliwanag ng driver sa katabi nito sa unahan na ang mga batang edad 10 ang mayroon nang bayad.

Kaya raw pala nang magbayad si Deigh, napatingin ang driver sa rear mirror nito upang makita ang mga bata.

Humanga ang pasahero sa tsuper sa simpleng pagsunod nito sa sinasabi niyang 'seminar.'

Hindi raw kasi ito tulad ng iba na ang intensyon pa ay manggulang ng kapwa gaya na lamang ng pagpapasiksik sa mga pasahero gayung di na ito kakasya pa sa upuan o di kaya naman ay ang patay malisya raw sa pagbibigay ng sukli.

Kaya naman nang bumaba silang mag-iina, nagpasalamat muli siya sa driver at sumagot naman ito ng "walang anuman."

Dahil dito, bumilib din ang mga netizens sa tsuper na dapat lamang daw pamarisan ng iba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Apirrr kay manong, napaka buting tao. minsan naman yung iba di pa nagbibigay sukli"
"Thank you for posting. Sana ay makuha natin next time ang Name ni Manong.Mabuhay Ka Manong Driver!"
"Bihira na ang ganito Ms. Deigh"
"Good job manong driver God bless u always"
"Good job manong.. Dumami sana katulad nyo.."
"Ang bait nmn po ni kuya!. Kung sa iba yung driver talagang babawasin s binayad mo. May ilan p din tlgng fair at mababait n driver"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica