Mayor Isko Moreno, may babala sa 2 malalaking mall sa Maynila

Mayor Isko Moreno, may babala sa 2 malalaking mall sa Maynila

- Nagbigay ng babala si Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng Tutuban at Isetann mall

- Ayon sa alkalde, ipasasara niya ang mga nasabing malls sa Maynila kapag may nahuling nagbebenta ng nga nakaw na gadgets dito

- Kasunod ito ng mga follow-up operations na isinagawa ng mga awtoridad sa dalawang malls na may binebenta umanong mga nakaw na cellphones

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binigyang babala ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang dalawang malalaking malls sa Maynila!

Ayon sa alkalde, ipapasara niya ang Tutuban mall at Isetann mall sa Recto kapag may nahuling nagbebenta dito ng mga nakaw na cellphone.

“I’m giving you 72 hours, Tutuban Mall, Isetann Recto. I will close the entire mall ‘pag patuloy ninyong kinakalinga, pinapayagan ang mga second hand cellphones, vendors na bumibili ng mga nakaw,” anito, base sa ulat ng Manila Bulletin.

Maliban sa dalawang malls na nabanggit, nagbigay ng order ang alkalde sa iba pang malls sa Maynila na magsagawa ng inspeksyon sa kanilang mga tenants.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

“Pinanawagan ko, SM, Robinsons, Harrison Plaza, Tutuban, Isetann Recto, 168 at kung ano ano pang mall… Magsiyasat na kayo ngayong araw ng mga pinapayagan nyong mangupahan na magtinda ng mga secondhand na cellphone. Ayaw naming madamay kayo,” ani Mayor Domagoso.

“Ayaw kong may iiyak nanamang nanay, iiyak nanamang tatay, na nasaksak yung anak nya, namatay anak, nya na inagawan ng cellphone,” sabi pa nito.

Para raw makasiguro ang mga bibili na hindi nakaw ang mga bibilhing cellphones, humingi ng pruweba na pag-aari nga ng seller ang mga gadgets na ibinebenta nito.

Kasunod ito ng magsagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad sa Tutuban Mall matapos may maiulat na pagnanakaw sa lugar.

Nitong Biyernes, nagsagawa rin ng imbestigasyon ang ilang miyembro ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa Isetann Recto dahil sa natanggap na report na may bentahan umano ng mga nakaw na cellphone doon.

Ayon pa sa ulat, nagbigay na raw ng utos si Mayor Isko sa Manila City Hall’s Business Permits and Licensing Office (BPLO) upang mag-inspeksyon sa mga malls sa lungsod at panagutin ang mga mahuhuling nagbebenta ng mga nakaw na cellphones.

Kanina, iprinisinta ni Mayor Isko ang ilang suspek sa pagnanakaw ng mga cellphones sa lungsod. Isang live video ang ibinahagi mula sa Facebook account ng alkalde.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lang, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagawa ni Mayor Isko na naiulat na rin ng KAMI.

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel