Canadian, ex-GF at BFF nito, nagharap-harap na sa wakas

Canadian, ex-GF at BFF nito, nagharap-harap na sa wakas

- Nagharap na ng personal ang Canadian at ex nitong Pinay na inakusahan nito ng panloloko

- Bukod sa ex nitong Pinay, nakaharap din ng Canadian ang bestfriend nito na naging karelasyon din pala niya

- Nabawi naman ng dayuhan ang lupang binili niya sana para sa kanilang future ng inireklamong Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos magkausap sa pamamagitan ng programang Wanted sa Radyo, nagkaharap na sa wakas ang dating magkasintahang William Top, isang Canadian, at si Raven Lauron, isang Pinay.

Una nang naiulat ng KAMI nang ireklamo ni Top si Lauron ng panggagamit at pangloloko.

Lumapit ito kay Raffy Tulfo upang mabawi ang mga ari-ariang ipinundar niya sa bansa para sana sa kanilang dalawa ng ex GF.

Ngunit natuklasan nito na ang mga perang ipinadala niya rito ay ginamit lang pala nito sa mga gimik at bakasyon!

Hindi rin daw ito nag-aral kahit pa nagpapadala siya para rito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod dito, inireklamo din ni Top ang pangloloko ng ilang kaanak ni Lauron sa kanya.

Ngunit ayon kay Lauron, ginamit din naman siya ni Top at niloko pa nang makipagrelasyon ito sa kanyang bestfriend na si Margie Valencia.

Inamin naman ito ni Top ngunit sinabing hindi niya pinagsabay ang dalawang Pinay.

Pero bukod pala kay Lauron, may pera rin palang gustong bawiin si Top kay Valencia na umabot sa halos P200,000.

Kaya naman nang magharap-harap ang mga ito sa barangay ay wala nang nagawa pa ang mga babae kung hindi ang pumirma sa kasunduang babayaran nila ng installment ang mga perang nakuha mula kay Top ng hulugan.

Napag-alaman naman na kasal sa isa ring Pilipina si Top at ayon dito masaya siya sa piling nito.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng Canadian kay Tulfo at sa programa nito sa mabilis at tuloy-tuloy na aksyon sa kanyang reklamo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel