Hagupit ng bagyong Marilyn, ramdam pa rin sa bansa

Hagupit ng bagyong Marilyn, ramdam pa rin sa bansa

- Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang parte ng Pilipinas dahil sa habagat

- Ayon sa mga ulat, libo-libong pamilya na ang apektado ng hagupit ng bagyong Marilyn

- Posible pa raw bumalik ang tropical depression na si Marilyn sa loob ng 48 oras ayon sa PAGASA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa 54 bayan sa bansa ang naapektuhan ng bagyong Marilyn ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa isang report ng GMA News (Author, Jon Viktor Cabuenas) nasa 34 lugar sa Pampanga, 11 sa Zamboanga City at apat sa Negros Occidental ang binaha dahil sa bagyo, base na rin sa ulat ng NDRRMC kagabi, September 15.

Umabot sa 1,726 na pamilya ang apektado ng kalamidad at karamihan sa kanila ay nasa evacuation center na.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa sa ulat, nakalabas na raw ang bagyong Marilyn sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Sabado ng gabi.

Samantala, makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang parte ng Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon, and Western Visayas ngayong Lunes dahil naman sa habagat, ayon sa PAGASA.

Nagbabala rin ang PAGASA na posible ring magkaroon ng Flash floods o landslides sa mga nasabing mga lugar.

Posible ring bumalik ang tropical depression na si Marilyn sa loob ng 48 oras batay sa ulat ng PAGASA.

Habang dalawa pang weather systems ang mino-monitor nito.

Isang low pressure area ang namataan sa 410 km west ng Zambales at isang tropical storm ang nasa labas pa ng PAR bandang 2,565 km east ng Northern Luzon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel