Babaeng nakatulog habang nagmamaneho, nasagip ngunit mananagot pa rin sa pulisya

Babaeng nakatulog habang nagmamaneho, nasagip ngunit mananagot pa rin sa pulisya

- Nasa gitna pa naman ng kalsada ang sasakyan nang makatulog ang babaeng nagmamaneho nito

- Hindi ito basta magising at ang malala biglang napaandar nito ang sasakyan

- Nang magising sa tulong na rin ng mga rumespondeng pulis, di pa rin ito lusot sa batas dahil sa nagmaneho ito kahit di maayos ang kanyang kondisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang babaeng nakatulog habang siya ang nagmamaneho.

Sa post na binahagi ng Rock Solid, makikita ang babae na walang malay sa loob ng kanyang sasakyan.

Ang masaklap pa rito, nasa gitna siya ng kalsada kaya naman labis itong mapanganib.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis na pilti ginigising ang babae.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit kahit anong kalampag nila rito ay di ito basta magising.

Ang nakakatakot pa sa nangyari, biglang niyang napaandar ang sasakyan ngunit tulog na tulog pa rin ito.

Kaya naman napilitan na ang mga pulis na basagin ang salamin ng sasakyan.

Doon lamang siya nagising na tila walang alam sa nangyari.

Nang mahimasmasan, di parin maiiwasang di ito posasan dahil sa pagmamaneho nang wala sa kondisyon.

Hinihinala pang nakainom ang babae kaya mas lalong may panangutan siya sa batas. Lubhang mapanganib ang kanyang ginawa dahil kung di ito naagapan ng mga pulis, maaring may ibang mga motorista na nadamay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel