Lalaki, nasagip sa posibleng kapahamakan ang babaeng natutulog sa bus

Lalaki, nasagip sa posibleng kapahamakan ang babaeng natutulog sa bus

- Di nagdalawang isip si Edward Janen Ortega na bumalik sa bus na nagpapababa sa kanila para gisingin ang isang natutulog na babae

- Kinutuban na siya na tila di maganda ang balak ng driver ng binabaang bus at konduktor nito sa naiwang babae

- Nagkunwari si Edward na nakaiwan ng wallet para lang maisalba ang babae na ngayon ay kaibigan na niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing real-life hero si Edward Janen Ortega ng isang babaeng nakasakay niya sa bus isang madaling araw na pauwi na sila.

Ayon sa kwento nito na binahagi ng Inquirer, labis na nagtaka ang mga pasahero noon ng bus mula sa Taguig nang pilit silang pinababa ng driver at konduktor 100 metro mula sa dapat na kanilang babaan.

Bilang si Edward ang nasa pinaka-likod na upuan, siya rin ang pinakahuling lumabas.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Lalaki, nasagip sa posibleng kapahamakan ang babaeng natutulog sa bus

Ang babaeng nailigtas ni Edward sa posibleng kapahamakan kung di siya bumalik sa bus.
Source: Facebook

Napansin nito ang babaeng mahimbing pa rin ang tulog sa kanyang kinauupuan.

Ngunit pagkababa mismo ni Edward, biglang andar na ang bus.

Kinutuban na agad ito na tila may 'di magandang mangyayari.

Lalo na nang sa 'di pa kalayuan ay pinatay na ang ilaw ng bus.

Di na nagdalawang isip pa si Edward na habulin ang bus at magkunwaring naiwan ang niya ang kanyang wallet sa bus.

Lalaki, nasagip sa posibleng kapahamakan ang babaeng natutulog sa bus

Ang matapang na si Edward na masasabing nag-buwis buhay sa pagsagip sa natutulog na babae sa bus.
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil sa likurang bahagi siya ng bus umupo, nadaanan niya muli ang ang babae at tinanong sa konduktor kung bakit di pa ito ginigising.

Sinabi pa ng driver at konduktor na kasama nila ang babae ngunit ramdam ni Edward na di ang mga ito nagsasabi ng totoo.

Nagkaroon na ng sagutan ang tatlo na siyang naging dahilan upang magising ang babae. Agad itong bumaba ng bus.

Doon nagmula ang kanilang pagkakaibigan dahil nailigtas ni Edward ang babae sa posibleng kapahamakan.

Magpasa-hanggang ngayon ay nagkikita pa rin at nag-uusap ang dalawa at laking pasalamat ng babae dahil sa buwis-buhay na nagawa ni Edward para sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel