Misis na sumama sa mas batang kabit, nanindigan na di babalik sa orig

Misis na sumama sa mas batang kabit, nanindigan na di babalik sa orig

- Sa kabila ng pagtangis at pagmamakaawa ng kanyang mga anak, nanindigan ang inirereklamong ginang na 'di babalik sa kanyang mister

- Anito, labis na ang sakit na dinanas niya sa piling ng mister

- At kahit pa ilang beses nang sinabi ni Raffy Tulfo na posible siyang makulong ay ayaw pa rin nitong makipagbalikan sa kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmakaawa at umiyak na ang mga anak ng inirereklamong ginang na si Marivic Juntilla ngunit wala pa ring epek sa kanya.

Una nang idinulog ng anak nito na si Mery Grace ang problema nito sa ina na nilayasan daw sila at sumama sa mas batang kabit nito na naiulat na rin ng KAMI.

Nais sana nila na bumalik ang kanilang nanay sa kanila at iwan ang lalaki nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Una nang sinabi ni Marivic na handa siyang iwan ang lalaki niya ngunit hinding-hindi na babalik sa poder ng nanay niya o kahit sa mister niya na si Rene Juntilla.

At kahit pa nagharap na ang mag-iina at ang padre de pamilya nila sa programang Wanted sa Radyo ay nanindigan pa rin si Marivic na tuluyan nang makipaghiwalay sa mister.

Umamin naman si Rene na minsan siyang nagkasala sa asawa ngunit nagbago na para sa kanikang mga anak.

Handa rin daw siya na tanggapin ang asawa sa kabila ng nagawa nito alang-alang sa kanilang pamilya.

Hindi rin daw kumbinsido si Rene na hindi na ito manglalalaki kahit iwan nito ang kasalukuyang kabit nito.

Pero nagmatigas na talaga si Marivic at kahit si idol Raffy ay tila nahirapan nang kumbinsihin ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel