Mister na sinalisihan, nakiusap kay misis na bumalik na; misis, nagpakipot pa

Mister na sinalisihan, nakiusap kay misis na bumalik na; misis, nagpakipot pa

- Sa kabila ng kanyang mga hinala at akusasyon sa misis, nakiusap pa si mister na bumalik na ito sa kanilang bahay

- Una nang inamin ni mister na mahal pa niya ang asawa ngunit handa itong ipakulong ang ginang kapag nagmatigas pa ito

- Ngunit si misis tila desidido nang makipaghiwalay sa kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kanyang mga hinala at akusasyon, handa pa rin daw si Regie Abobutal na tanggapin ang kanyang misis na si Analiza Abobutal.

Una nang naiulat ng KAMI nang ireklamo ni mister ang asawa sa programang Aksyon.

Anito, sinasalisihan daw siya ng misis at mga kabit nito kapag aalis na siya papuntang trabaho.

Sa kanilang paghaharap sa barangay matapos mai-ere ang reklamo, ilang ebidensiya pa ang pinakita ni mister laban sa kanyang asawa!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit mariin pa rin itong itinanggi ng ginang!

Desidido na rin daw itong makipaghiwalay kay mister dahil sa pananakit at pang-aabuso nito.

Reklamo ni misis ang pamimilit nitong makipagsiping sa kanya.

Giit naman ni mister, kaya umiinit ang ulo niya ay dahil sa patuloy na pagtanggi ni misis sa kanya kung kaya bumabalik daw sa isip niya ang mga pangloloko nito.

Ngunit sa kabila nito, nais ni Regie na bumalik pa rin sa kanilang bahay ang asawa para na rin sa mga anak nila.

Hindi na rin daw nito ipipilit ang sarili sa asawa.

Nagkasundo naman ang dalawa na mag-usap ulit sa barangay pagkatapos ng 10 araw base na rin sa suhestyon ng VAWC officers na umasikaso sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel