Misis na all-around at nagconstruction worker na rin, sinalisihan pa ni mister

Misis na all-around at nagconstruction worker na rin, sinalisihan pa ni mister

- Masamang-masama ang loob ng ginang sa kanyang mister dahil sa panloloko nito sa kanya

- Sa kabila raw kasi ng kanyang pagsasakripisyo para sa kanilang anak ay nagawa pang mangbuntis nito ng ibang babae

- Labis namang nahabag si Raffy Tulfo sa ginang na nagawa nang pumasok sa construction para lang mapunan ang pagkukulang ng asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa labis na sama ng loob ng ginang na si Rowena Reyes sa kanyang mister na OFW, humingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo.

Reklamo ni misis ang pangbubuntis ng mister na si Rommel Reyes sa ibang babae.

Ito ay sa kabila ng kanyang pagsasakripisyo para mapunan ang pagkukulang nito sa kanilang pamilya.

Sa loob daw kasi ng limang taon nito sa ibang bansa ay "bungi-bungi" raw ang pagpapadala nito.

Ayon naman kay mister, nakulong daw kasi siya dahil sa pagbebenta ng alak na ipinagbabawal sa Saudi.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Inamin naman nito na hindi ito palaging nakakapagpadala dahil hindi raw siya buwanang pinapasahod ng kanyang dating amo.

Bagamat inamin nito na nakabuntis siya ng ibang babae, sinabi nitong matagal na raw tapos ang relasyon nila ng babae na napag-alamang nasa Cavite.

Sabi ni Rowena, ang ikinasasama ng loob niya ay ang pangloloko ni Rommel sa kanya sa kabila ng sakripisyo niya para lang sa kanilang anak.

Iginiit rin ni misis na kailan lang niya nalaman ang tungkol sa babaeng nabuntis nito.

Nagawa na nga raw nitong pumasok sa construction at pasukin ang lahat ng trabaho dahil na rin sa kawalan ng sustento mula sa mister.

Nangako naman si idol Raffy na tutulungan niya ang ginang para maipa-deport ang mister at mapakulong.

Hindi rin nito nakalimutang tulungan ang ginang na pinangakuan niya ng pang-negosyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel