Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa reklamo ng mister na advance mag-isip

Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa reklamo ng mister na advance mag-isip

- Matapos marinig ang bawat panig ng mag-asawang may malaking problema, agad nitong pinatigil si mister

- May matindi na kasing mga akusasyon ang lalaki laban sa kanyang misis na hindi naman nito mapatunayan

- Bukod rito, nabaligtad na rin ang complainant nang si misis naman ang nagbulgar ng mga kalokohan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iginigiit ng complainant na si Allan Cañeba na niloloko siya ng kanyang asawa na si Lyn Cañeba na nasa ibang bansa.

Reklamo nito ang umano'y kaliwa't kanang lalaki ni misis na nanghuhuthot daw dito!

Mariin naman itong itinanggi ni misis at sa halip ay ibinunyag ang mga kalokohan ni mister!

Anito, ito ang nangaliwa at katunayan ay naanakan pa nito ang kanilang kasambahay.

Maging ang pamangkin ni misis ay pinatos rin daw nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Inamin ni Allan ang pagkakaroon ng relasyon sa kasambahay ngunit itinanggi na nito ang sa pamangkin ni Lyn.

Gawa-gawa lamang daw ito ni misis, pero ayon kay misis, mismong ang pamangkin na niya ang umamin na nagkaroon ito ng relasyon kay Allan.

Isa pang babae ang sinabi ni misis na naging kabit rin ni mister. Katunayan ang pagkakaroon nito ng anak sa iba.

Kalaunan ay kumabig pa si mister at sinabing nais niyang maimbestigahan ang asawa na inaakusahan nitong miyembro ng isang teroristang grupo na kilala sa buong mundo.

Mariin naman itong itinanggi ni misis at hindi rin naman ito napatunayan ni mister!

Matapos nito, agad pinatigil ni Raffy Tulfo ang kanyang complainant lalo pa ito ang lumabas na nagkasala kay misis na inamin naman nito!

Maging ang isa nilang anak ay sinabing walang katotohanan ang mga bintang ng kanyang ama sa kanyang nanay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel