Asong naghintay sa amo sa loob ng apat na taon, natagpuan kung saan nila ito naiwan

Asong naghintay sa amo sa loob ng apat na taon, natagpuan kung saan nila ito naiwan

- Matiyagang naghintay ang isang aso sa kanyang amo sa loob ng apat na taon

- Nakatalon daw ito noon sa sasakyan nang nasa biyahe ang pamilyang nag-aalaga sa kanya patungo sa isang kamag-anak

- Dahil sa isang viral post, muling naibalik ang asong may pangalang 'BonBon' sa kanyang amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di man kapani-paniwala ngunit nakabalik sa amo nito ang asong si "BonBon" makalipas ang apat na taong paghihintay.

Ayon sa Inquirer, nag-viral kasi ang post ng netizen na si Anuchit Uncharoen tungkol kay BonBon na nadaanan nila sa kalsada habang pinakakain ito ng nagmamalasakit na babae.

Ito ang naging daan upang makita ng amo si BonBon na inakala nilang patay na.

Kwento pa ng babae, sinubukan na nitong i-uwi ang aso sa kanila ngunit tinakasan lamang siya nito at bumabalik sa lugar kung saan siya naiwan ng kanyang amo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil dito, sinisiguro na lamang nito na may kinakain ang aso at maging ang sakit nito sa balat ay napagamot na rin.

Kaya naman makikita sa larawan na nasa magandang kondisyon si BonBon.

Samantala, laking gulat naman ng amo nang makita ang alaga dahil sa halos ganoon pa rin daw ang itsura nito noong nawalay ito sa kanila.

Natatandaan pa nilang nawala nga ang asong kasama nila sa lakad ng pamilya patungo sa kamang-anak noong 2015.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di nila lubos akalain na makikita pa ang alagang matagal nang nawalay sa kanila.

Madamdamin ang naging tagpo ng alaga ang amo nito na sa una'y tila ba ay nagtampo pa ang aso na di agad sumama pauwi.

Ngunit kapansin-pansin daw ang paggalaw ng buntot nito senyales ng pagkasabik o excitement.

Kalaunan ay naisama na muli si BonBon sa kanilang tahanan matapos ang ilang taong pangungulila niya sa kanila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel