Larawan ng lola na nakaupo lamang sa lapag ng jeep, ikinabahala ng netizens

Larawan ng lola na nakaupo lamang sa lapag ng jeep, ikinabahala ng netizens

- Nag-viral ang larawan ng isang lola na nakaupo lamang sa lapag ng umaandar na jeep

- Nabahala ang ilang netizens dahil sa malapit na ito sa sampahan ng jeep at baka mahulog pa ito

- Nagtataka rin ang mga netizens dahil wala ni isang nagpaupo ng maayos sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin sa social media ang larawan ng lola na nakaupo lamang sa lapag ng umaandar na jeep.

Binahagi muli ito ng Facebook page na Traffic Rules na may caption na "Ganito na ba ang ibang mga kababayan natin ngayon? Walang pagmamahal at respeto sa mga nakakatanda?"

Ang nakababahala kasi sa larawan ay ang pwesto ng matanda na malapit na sa sampahan ng jeep.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa sa ilang netizens, sakaling biglang preno ng sasakyan ay maari pang masaktan o ang masama ay mahulog ang lola.

Ang masaklap pa rito, sa dinami-dami ng sakay ng jeep ay wala ni isang nagmagandang loob na paupuin ng maayos ang matanda.

Kita naman na hirap ang pwesto nito sa jeep ngunit ang nakapagtataka ay kung bakit hinayaan na lamang ito roon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na di lubos maisip ang kawalan daw ng malasakit ng mga sakay ng jeep sa lola:

"Bakit naman hinayaan si lola na doon lang?"
"Sana malaman ang dahilan bakit andun lang si lola at wala nagpaupo"
"FYI yang dulo ng jeep reserved dapat sa PWD, buntis at senior citizens"
"Ano na ba nangyayari ngayon sa mundo"
"Siyaman, sampuan sa jeep pero ni isa wala nagpaupo ng maayos keh lola.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel