Di inaasahang reaksyon ni Yorme Isko habang lumilindol, sapul sa video

Di inaasahang reaksyon ni Yorme Isko habang lumilindol, sapul sa video

- Nasa kalagitnaan ng kanyang weekly video report si Manila City Mayor Isko Moreno nang maganap ang lindol nitong Biyernes Setyembre 13

- Nakunan tuloy ang kanyang aktwal na reaksyon habang lumilindol

- Nanatili naman itong kalmado at nakuha pang magbiro ngunit di pa rin nawala ang pagpapaalala nito sa kanyang mga kababayan na mag-ingat at maging alerto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang aktwal na reaksyon ni Manila City Mayor Isko Moreno sa paglindol nitong Biyernes, Setyembre 13.

Binahagi ng Facebook page na Raffy Tulfo Supporters ang bahagi kung saan kitang-kita ang pagkagulat ni Yorme Isko nang bigla na lang gumalaw ang kanyang paligid habang nasa kalagitnaan siya ng live video sa Facebook.

Ito ay ang 'The Capitol Report' kung saan naka-live stream ang alkalde tuwing Biyernes ng hapon upang magbigay ng weekly report sa kanyang mga kababayan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kahit pa nagulat dahil sa may kalakasan ang magnitude 5.3 na lindol na naramdaman ng kamaynilaan, nanatili pa ring kalmado si Yorme Isko at pinakiramdaman ang nagaganap na paggalaw.

Nakuha pa nitong magbiro na dahil raw sa kanyang pagkanta sa video rin na iyon kaya lumindol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, di pa rin ito nakalimot na paalalahanan ang kanyang mga kababayan na maging ligtas at maging alerto sa sakunang naganap.

Agad din niyang pinakilos ang DRRMC ng kanilang lugar upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa sa kanilang lungsod.

Bandang 4:48 ng hapon nitong Biyernes nang maramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila ang pagyanig na ang sentro ay sa hilagang bahagi ng Burdeos, Quezon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel