Misis na inalok ni idol ng iPhone X at inireklamo ng pangangabit, humarap na

Misis na inalok ni idol ng iPhone X at inireklamo ng pangangabit, humarap na

- Wala nang nagawa pa ang ginang kung hindi ang tuluyan nang isuko ang karapatan sa pag-aari nilang mag-asawa

- Bagamat inamin nito na nagkaroon nga ito ng pagkakasala, iginiit nito na matagal na itong tapos

- Hindi naman napigilan ng mag-asawa ang humulagpos nilang sama ng loob para sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matindi ang naging paghaharap ng mag-asawang Joseph at Bebelyn Borinaga sa kanilang barangay pagkatapos mag-usap sa programang Wanted sa Radyo.

Inireklamo kasi ni mister si misis na ilang beses na raw siyang niloko o niloloko hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaang biniro pa ito ni Raffy Tulfo na bibigyan ito ng iPhone X para iwan lamang ang kanya umanong mga kabit.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Una nang dinepensahan ni misis ang sarili at sinabing matagal na raw tapos ang isyung ito.

Ngunit sabi ni mister, nais lang niya na tuluyan nang makipaghiwalay sa ginang.

Gusto rin nito na isuko ni misis ang kanyang karapatan sa naipundar nilang bahay at lupa.

Pati ang nawawalang pera nilang mag-asawa na nagastos umano ni misis ay dapat na isauli rin nito.

Pumayag naman si misis sa mga kondisyon ni mister ngunit hindi nito naiwasang ilabas ang kanyang sama ng loob para sa asawa.

Naglabasan ng hinanakit ang dalawa at nagkaroon pa ng sakitan sa barangay.

Matapos naman nito ay humupa rin ang galit ng bawat isa at nagkasundo na lamang.

Maayos naman silang nagpaalam sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel