Teenager na nasipa sa ulo, nagre-reset ang memorya kada 2 oras

Teenager na nasipa sa ulo, nagre-reset ang memorya kada 2 oras

- Matapos masangkot ang teenager na si Riley sa isang aksidente, nagre-reset na ang kanyang memorya kada dalawang oras

- Wala namang makitang kakaiba ang mga doktor sa dalagita

- Nanawagan ng tulong ang nanay nito sa kung sino man ang may alam na lunas para sa sakit ng dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala na raw naalala ang dalagitang si Riley Horner kada dalawang oras dahil kusa raw nagre-reset ang kanyang memorya.

Matapos itong masangkot sa isang aksidente, nagbago na ang kanyang buhay. Araw-araw itong nagigising na ang akala ay June 11 pa rin.

"I have a calendar on my door and I look and it's September and I'm like 'woah'," anito sa isang panayam.

Ayon sa mga ulat, aksidenteng nasipa sa ulo si Horner ng isa ring estudyante dahil sa "crowd surfing" noong June 11, 2019.

Pagkatapos nito, dumanas ito ng seizures at nagpabalik-balik na sa ospital.

Wala naman daw nakita ang doktor na kakaiba sa dalagita.

"They tell us there's nothing medically wrong," ayon sa nanay ni Horner sa panayam rito ng Fox News.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"They can't see anything. You can't see a concussion though on an MRI or a CT scan. There's no brain bleed, there's no tumor," dagdag pa nito.

"(Doctors) told us that she might just be like this forever. And I am not okay with that," sabi pa nito.

Ayon pa sa ginang, may mga research na nagsasabing kapag ang short term memory loss ay lumagpas ng anim na buwan ay maari na itong tuluyang hindi maibalik.

Nananawagan ng tulong ang ginang para sa ikagagaling ng kanyang anak.

"We need help," anito. "We need somebody that knows a little bit more because she deserves better. I mean she wanted to be in the medical field and now she can’t even hold a job if she wanted to."

Para naman patuloy na makapag-aral, nag-aalarm ang dalagita kada dalawang oras at gumagawa ng notes para sa sarili.

Buong araw din nitong dala ang kanyang mga gamit dahil hindi na rin nito maalala kung nasaan ang kanyang locker.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel