Bride, nasurpresa sa 'father and daughter' dance kahit pumanaw na ang ama

Bride, nasurpresa sa 'father and daughter' dance kahit pumanaw na ang ama

- Marami ang napaiyak sa viral video ng kakaibang 'father and daughter' dance na hinanda ng kapatid ng bride

- Pumanaw na ang ama ng bride bago pa man ito ikasal ngunit ginawan ng paraan ng kanyang kapatid na maging espesyal pa rin ang bahagi na ito ng kasal

- Naging emosyonal ang tagpo at mapapansing halos lumuluha ang mga bisita sa kasalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang emosyonal na video ng naiibang 'father ang daughter' dance sa isang kasalan na pumukaw sa puso ng maraming netizens.

Ayon sa viralnova.com, masakit para sa bride na si Andrea ang pagpanaw ng ama na tinamaan ng cancer.

Yumao ito bago pa man ang kasal ni Andrea kaya naman di na ito nagkaroon ng pagkakataong ihatid sa altar ang unica hija.

Dahil ito, ang kapatid na lalaki ni Andrea ang nag-isip ng paraan upang maging espesyal pa rin ang father and daughter dance na isa sa importanteng bahagi ng mga seremonya sa reception ng kasal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Inanyayahan ng kapatid ni Andrea ang lahat ng malalapit na kamag-anak nilang lalaki na isayaw si Andrea upang mapunan ang sayaw na para sana sa bride at sa kanyang ama.

Ang nakakadagdag pa ng emosyon sa tagpong iyon ay ang napiling kanta ng kapatid ng bride.

"Butterfly kisses" ang kanta ngunit pinalitan niya ito ng lyrics upang maibahagi ang buhay ni Andrea kasama ang ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nakakadurog pa lalo ng puso ay ang bahagi ng kanta kung saan tila pinauubaya na ng ama ang kanyang 'baby girl' sa lalaking mangangalaga ng puso nito.

Mapapansing ang mga bisita ng kasal ay di mapigilan maluha at maiyak sa espesyal na sayaw na ito.

Bakas naman ang lungkot at saya sa mukha ng bride dahil sa surpresa na ito ng kanyang kapatid.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel