18-anyos na labis mag-vape, may baga na pang-70 anyos dahil sa misteryosong sakit

18-anyos na labis mag-vape, may baga na pang-70 anyos dahil sa misteryosong sakit

- Naging mitsa ng buhay ng isang 18-anyos na binata ang labis niyang pag-vape o electronic cigarette

- Dahil dito, ang baga ng teenager ay parang baga na ng isang 70-anyos na matanda

- Halos di siya makapaniwala lalo na ganito ang naging epekto nito sa kanyang katawan gayung mahigit isang taon pa lamang niya ito ginagamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inakala ng 18 taong gulang na si Adam Hergenreder na ang kanyang vape o electronic cigarette ang muntik nang kumitil sa kanyang buhay.

Sa ulat nina Jacqueline Howard at Michael Nedelman ng CNN, sa loob lamang ng mahigit isang taon na paggamit ng vape ni Adam, ang baga niya ay parang baga na ng isang 70-anyos na matanda.

Napag-alaman nila ito matapos siyang ma-ospital at nakita ang epekto ng vape sa kanyang katawan.

Ang nakakakilabot pa sa nangyari, di pa mapangalanan ang misteryosong sakit na ito na tumama na rin sa mahigit isang daang gumagamit ng vape sa USA.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nakaaalarma ito dahil tumataas na ang bilang ng mga kabataang tinatamaan ng sakit na ito dahil sa labis na paggamit ng vape.

Isa si Adam sa nag-akalang mas ligtas ang vape kaysa sa aktwal na sigarilyo.

Malayo raw kasi ang lasa nito sa sigarilyo dahil sa mga flavor nito kaya napaparami ang pagkonsumo niya nito araw-araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsimula lamang ang kanyang karamdaman sa panginginig at labis na pagsuka.

Tumagal ito ng tatlong araw bago siya nagpakonsulta sa doktor.

Nang sumailalim siya sa x-ray, nilarawan ng mga doktor na 'full damage' na ang kanyang lungs.

Kung hindi pa ito nadala agad sa ospital, bumigay na talaga sana ang baga nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling at patuloy niyang binabahagi ang kanyang kwento para magsilbing aral na rin lalo na sa mga naninigarilyo at mga vape users.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel