Nakakalulang kita ng isang lumpia vendor, daig pa raw ang sahod ng nasa opisina

Nakakalulang kita ng isang lumpia vendor, daig pa raw ang sahod ng nasa opisina

- Viral ang post tungkol sa kinikita ng isang lumpia vendor

- Nagulat ang nag-usisang customer sa tindero ng lumpia sa laki ng kinikita nito na daig pa raw ang mga pumapasok sa opisina

- Dahil dito, maraming netizens ang nagsabing nais na raw nilang magnegosyo at magtinda na rin ng lumpia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakalulang sinasahod ng isang lumpia vendor.

Binahagi ng netizen na si Jomer Arañas ang naging usapan niya sa tindero ng lumpia na kanyang nabilhan.

Napansin niya kasi ang dami ng paninda nito na madali raw pa lang nauubos.

600 na piraso raw ang paninda ng tindero at binebenta niya ito ng 3 sa halagang ₱20.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nagulat si Jomer nang sinubukan niyang kalkulahin ang maaring kitain ng tindero sa loob ng isang linggo.

Nasa ₱28,000 kung ito raw ay maglalako ng pitong araw sa isang linggo dahil sa isang araw na lang ay meron na itong ₱4,000.

Kahit pa raw ibawas dito ang pinuhunan ay di hamak na mas malaki raw ito sa mga kinikita ng tipikal na nasa opisina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala rin daw itong tax na pinoproblema kaya naman malayong-malayo ito sa minimum wage ng isang trabahador.

Dahil dito, maraming netizens tuloy ang tila nahikayat na magnegosyo at magtinda rin ng lumpia sa ganitong klase ng kitaan at wala pang walong oras mong na pagta-trabaho.

Pumalo na sa 62,000 na reaksyon, 104 na komento at 32,000 beses na binahagi ang post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel