Grab driver na sinaktan ng mag-jowa sa 1 viral video, nakaharap ni idol Raffy

Grab driver na sinaktan ng mag-jowa sa 1 viral video, nakaharap ni idol Raffy

- Nakaharap ni Raffy Tulfo sa kanyang programa ang Grab driver na sinaktan ng magkasintahan at iba pang kaanak

- Matatandaang mabilis na nag-viral ang video kung saan kita ang panunugod at pananakit ng ilang suspek sa biktima

- Samantala, napag-alamang isa palang camera man ang driver at ilan sa kanyang kasamahan sa trabaho ay nagbigay ng pahayag tungkol sa karakter nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaugnay pa rin ng pananakit sa isang Grab driver na nakuhanan pa nito ng video, nakaharap ito ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo.

Una nang naiulat ng KAMI na tinag ng mga netizens ang programa ni Tulfo sa viral video ng pananakit sa driver na si Reynaldo Tugade.

Napag-alaman pang isa pala itong camera man at suma-sideline lang bilang Grab driver para madagdagan ang kita.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kinilala ang magkasintahan na sina Jan Jervi Mercado at Rhea Sangil na naaresto na ng mga pulis, habang ang dalawa pang kasamang nanakit sa biktima ay hindi pa nakikilala.

Samantala, ilan sa mga kasamahan ni Tugade ay nagbigay naman ng pahayag tungkol sa karakter nito, kasama na si Cristy Fermin.

Ayon sa mga ito, mahinahon at hindi palaaway na tao si Tugade. Sumusunod lamang din daw ito sa kung ano ang sa tingin nito ay tama.

Kaugnay naman ng insidente, nanindigan si Tugade sa kanyang ginawa lalo pa at may mga rules ang Grab na mahigpit na ipinapatupad.

Una nang sinabi ng Grab Philippines na tama lamang ang ginawa ni Tugade dahil sinusunod lang din nila ang LTFRB.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel