Tulfo, nanlumo sa lagay ng babaeng pinaghahampas ng tubo ng live-in partner

Tulfo, nanlumo sa lagay ng babaeng pinaghahampas ng tubo ng live-in partner

- Nanlumo si Raffy Tulfo sa kasalukuyang lagay ng babaeng halos patayin na ng kanyang kinakasama

- Ang biktima na si Danica Nuñez ay kritikal ang lagay at mas lumala pa raw ang lagay ayon sa kapatid nito

- Nananawagan naman ng tulong at dasal ang pamilya para kay Danica

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kritikal ang lagay ng biktimang si Danica Nuñez sa ospital at ayon sa kapatid nito na si Danielle Nuñez ay mas lumala pa ang lagay.

Si Danica ay pinaghahampas ng tubo sa ulo at katawan ng kanyang kinakasama na si Ryker Grieco Shafer na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko.

Sabi ni Danielle sa panayam rito ni Tulfo, delikado ang lagay ngayon ni Danica. Na-diagnose rin ito na may pneumonia at nagkaroon na rin ng tubig ang kanyang utak.

Madali na rin daw magkaroon ng impeksyon ang biktima at posibleng butasin ang lalamunan para sa oxygen.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kalunos-lunos ang inabot nito mula sa kamay ng suspek. Base sa pahayag ni Danielle, nagawa ito ni Ryker dahil ayaw nang makipagbalikan sa kanya ng biktima.

Isa pa sa itinuturong dahilan ng mga ito ay ang pagkalulong umano ng suspek sa droga.

Mariing kinondena ng pamilya at mga kaibigan ng biktima ang sinapit nito mula sa suspek.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ng mga kaanak ni Danica laban sa suspek.

Ipinakita rin ni Danielle ang lugar na pinangyarihan ng krimen at makikita pa rito ang ilang bakas ng dugo.

Ipinanawagan naman ni idol Raffy na ipagdasal si Danica na lumalaban pa rin para mabuhay.

Nananawagan naman ng tulong ang pamilya ng biktima at isang GoFundMe account ang ginawa para sa mga nais magbigay ng tulong para sa ginang.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nagmatigas umanong sumuko ang suspek sa mga pulis at maging ang mga kaanak nito ay tumanggi ring pasukuin ito sa kabila ng panawagan ng pamilya ng biktima.

Naisampa na rin ang kaso laban kay Ryker para ma-isyuhan ng warrant of arrest.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel