Kambal na noo'y tinaningan na ang buhay, topnotchers na ngayon sa board exams

Kambal na noo'y tinaningan na ang buhay, topnotchers na ngayon sa board exams

- Parehong topnotchers ng kani-kanilang board exams sina Jose Gabriel delos Santos at Jose Raphael delos Santos

- Minsan na silang nataningan ng doktor na maaring di magtagal ang buhay ng kambal

- Nakamamanghang lumaki ang mga ito na malulusog, matatalino at mababait

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kambal na sina Jose Gabriel delos Santos at Jose Raphael delos Santos na parehong topnotchers ng board exams ng kanilang tinatahak na propesyon.

Ayon sa ABS-CBN news, nasungkit ni Jose Gabriel ang ikaanim na pwesto sa August-September 2019 electrical engineer board exam.

Si Jose Raphael naman ay nagkamit ng ikasiyam na pwesto sa November 2018 nurse licensure exam.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kwento ng proud tito nila na si Jovenal Gaspar Madulid na siya ring nagbahagi ng larawan ng kambal, premature babies ang dalawa na sobrang liit kaya naman kulang talaga sa timbang.

Dahil sa ganitong kalagayan, nagbigay na ng taning ang kanila noong doktor na maaring di na magtagal pa ang buhay ng dalawa.

Ngunit ang kaganapan ngayon ang patunay na lumaban sa buhay ang kambal.

Di lamang sila lumaking malusog, mababait at matatalino pa ang dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Classmates ang dalawa mula nursery hanggang high school.

Ngunit dahil magkaiba rin naman ang kanilang interes, magkaibang kurso ang kinuha nila sa kolehiyo.

Ngayon, pareho na naman sila bilang mga topnotchers ng kani-kanilang larangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel