Mga sakay ng MRT, nag-ambagan para sa kapwa pasaherong may Stage 3 leukemia

Mga sakay ng MRT, nag-ambagan para sa kapwa pasaherong may Stage 3 leukemia

- Agad na nag-viral ang larawan ng pasaherong may stage 3 leukemia na sakay ng MRT

- Tinanong lamang ng lalaking naka-gray sa larawan kung ano ang karamdaman ng pasahero na siyang narinig naman ng iba pang sakay.

- Nagkusa na rin na magpaabot ng tulong ang iba pang sakay ng tren

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang ginawa ng mga pasahero sa MRT sa kasakay nilang mayroon palang stage 3 leukemia.

Binahagi ng netizen na si ÅcdhiRr Ailnv Diaz ang nasaksihang pagtulong ng mga tao sa kapwa nilang nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking nakasuot ng gray at nakatayo ang siyang nag-usisa kung ano ang karamdaman ng lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang umandar kasi ang tren, napansin nito ang pagkabalisa ng lalaking nakaupo.

Sinabi nitong papunta siyang GMA 7 upang humingi ng tulong para sa kanyang kalagayan.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa tila abalang dala ng kanyang kondisyon.

Nang marinig ito ng mga sakay ng bahagi na iyon ng tren, nagkusa ang mga ito na mag-ambagan ng tig-iisang daang piso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nakalikom ang lalaki ng sapat na halaga para sa kanyang lab test, pagkain at pamasahe.

Bago ito bumaba ng tren, siniguro pa ng ibang mga sakay na maalalayan sana ito ng guwardiya upang maayos na makabalik sa Manila Doctor's hospital.

Isa lamang daw itong ebidensya na di pa rin nawawala ang pagkakawanggawa, malasakit at pagkakaroon ng ginintuang puso ng mga Pinoy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel